CHAPTER 11

6.1K 129 10
                                    



I FELL IN LOVE WITH A STRANGER
CHAPTER 11




CASSIE'S POV


Ring.. Ring..

"Good morning sis."
Bati ko kay Natalie at medyo inaantok pa ako.

"Good morning din sissy. Ano nakapagdecide ka na ba?"

"Yes sis, aattend ako."

"May partner ka na ba?"

"Yes sissy."

Napagdesisyunan kong pumunta sa party kasama si Tommy.

"Wow naman, who's the lucky guy?"
Tanong ni Natalie.

"Hmm. Secret."
Sagot ko at nagpigil ng tawa. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kilig.

"Asus, sissy naman e. Siguro may boyfriend ka na at hindi ka nagsasabi sa akin."
Nagtatampong tono ni Natalie.

"No sissy. Kaibigan ko lang siya. Ipapakilala ko siya sa'yo next week, don't worry."

"Okay, asahan ko yan ah!"

"Sure. Osige na iidlip pa ako. I'm still sleepy."

"Alright. See you next week sissy. I miss you. I love you!!"

"I miss you and I love you more sissy."

Wala akong pasok ngayon kaya naman may oras pa ako para umidlip.

Nang makaidlip na ay nagshower na muna ako bago bumaba sa kusina.

Matapos kong maligo at magbihis ay pinuntahan ko na sila manang Tess.

"Good morning po manang."
Bati ko.

"Good morning din señorita. Kumain ka na ng agahan."

Napansin kong wala si Tommy kaya tinanong ko ito kay manang.

"Si Tommy po?"

"Ah, nasa kwadra siya. Tutulungan daw niya ang manong Boyet mo na magpakain at magpaligo ng mga kabayo."

Napangiti ako dahil sa mga sinabi ni manang.

"Ang sipag naman ni Tommy."

"Naku e sinabi nyo pa señorita. Ang aga din niyang gumising para maipagluto ka ng agahan."

Habang kumakain ako ng agahan ay kinausap ko si manang tungkol sa party.

"Manang.."

"Yes señorita?"

"I decided to go to the party.. With Tommy."

"Naku e mabuti nga iyan señorita. Para maipakita mo sa Xander na un pati sa traydor mong kaibigan na nakamove on ka na. At isa pa, gwapo naman si sir Tommy at bagay na bagay kayo."

Napangiti ako sa mga sinabi ni manang. Para kasing nagpipigil siya ng kilig habang sinasabi yon.

"Pero I'll teach him some basic etiquette muna manang."

"Mabuti pa nga iha."

Matapos kong kumain ng agahan ay nagpaalam muna ako kay manang Tess para mapuntahan ko si Tommy.

Lumabas ako ng rest house at naglakad na ako papunta sa kwadra.

"Good morning señorita."
Bati ng mga tauhan.

I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Where stories live. Discover now