CHAPTER 10

6.4K 133 6
                                    

I FELL IN LOVE WITH A STRANGER
CHAPTER 10




CASSIE'S POV

Pagbaba ko ay inabutan kong nag-aayos ng pagkain sina manang Tess at Tommy.

"Good morning señorita."
Bati ni manang Tess.

"Good morning po manang."

"Good morning."
Bati ni Tommy na nakangiti sa akin.

Naglakad siya papunta sa akin...
Dahan-dahan at nang makalapit sa akin ay hinawakan niya ang pisnge ko at hinalikan ako sa labi...

"Good morning señorita, are you okay?"

"Ah. Good morning. I'm okay."
I stuttered at napailing ako.

Guni-guni ko lang pala..
Ano ba yung pumasok sa isip ko..

"I was about to bring your breakfast."
Saad ni Tommy.

"Thanks. I'll eat here."

Inaya ko na silang kumain at inalalayan pa ako ni Tommy sa pag-upo ko.

Napapangiti tuloy sila manang Tess at Tintin sa akin. Naiilang tuloy ako..

Sabay-sabay kaming kumain ng agahan.

"Alam nyo manang, nagtataka ako kasi ang alam ko ay sa couch ako nakatulog kagabi. Pero paggising ko nasa kama na ako."

Nagkatinginan si manang Tess at si Tommy.

"Baka nananaginip ka lang señorita."
Saad ni manang Tess.

"Yun nga ang iniisip ko manang. Pero wala po talaga akong matandaan na naglakad ako papunta sa kama."

"Hayaan mo na yun señorita. Kumain ka na lang ng mabuti diyan."

"Ang sarap po nitong corned beef, sino ang naggisa?"
Tanong ko.

"Si sir Tommy po ang nagluto niyan señorita."
Saad ni Tintin.

"Wow naman."
Siniko ko ng mahina si Tommy.

"Nagpapaturo siya sa akin na magluto e, ayan mabilis naman siyang matuto."
Saad ni manang.

"Gusto daw po kasi ni sir Tommy na siya na ang magluluto ng pagkain para sa inyo."
Saad naman ni Tintin.

"I told you, I will cook food for you and make you happy."
Tumingin sa akin si Tommy at nginitian ako.

Mukang nagpipigil naman ng kilig sina manang Tess at Tintin.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkain.

Bigla ko na lang naramdaman ang pag-init ng pisnge ko...

Argh.. Nakakahiya kung makita nila akong magbablush.
Si Tommy kasi e!



Ring.. Ring..
Tumatawag si mommy.

"Excuse me."

Tumayo ako at iniwan muna sila habang kumakain.

Sinagot ko na ang tawag.

"Good morning mommy."

"Good morning din anak."

"Napatawag po kayo?"

"Alam na ng daddy at kuya Andrei mo na wala na kayo ni Xander."

Huminga ako ng malalim dahil narinig ko na naman ang pangalan ni Xander.

I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon