CHAPTER 16

4.8K 127 3
                                    


I FELL IN LOVE WITH A STRANGER
CHAPTER 16





SANDRA'S POV


Excited na akong bisitahin si Cassie sa Batangas.

Masaya ako dahil mukang masaya siya sa bago niyang boyfriend. Ang tanging hiling ko para kay Cassie ay sana makatagpo siya ng lalakeng magmamahal sakanya na higit pa sa pagmamahal niya.

Cassie a such a sweet, loving and kind daughter, she deserves someone who will love her the way she wanted to be loved and someone who will make her happy and will stay by her side no matter what happens.

Sana yung lalakeng ipapakilala niya sa akin mamaya ay yung lalakeng ganon, na hindi siya sasaktan at lolokohin.

Bilang ina ay nasasaktan rin ako sa tuwing nasasaktan ang mga anak ko that's why I wish the best for Cassie and Andrei.

"Good morning manong Jun, good morning ma'am Sandra."
Bati ng mga gwardya sa checkpoint ng hacienda.

"Good morning din."
Bati rin namin ni manong Jun.

Habang papasok ng hacienda ay nagtext na ako kay Cassie na nandito na kami.

Nang makarating sa harap ng main entrance ng rest house ay pinagbukas ako ni manong Jun ng pintuan.

"Thank you manong Jun."

Nakakapagtaka dahil hindi ako sinalubong ng anak ko.

"Good morning po ma'am Sandra, nariyan na po pala kayo."

"Opo manang Tess kakarating lang po namin ni manong Jun, nasaan po si Cassie?"
Tanong ko at tila may pag-aalala sa mata ni manang Tess.

"Okay lang po ba kayo manang?"
Tanong ko at tumango naman si manang Tess.

"Nandon po si señorita sa kwarto niya, ihahatid ko na po kayo."

Sinamahan ako ni manang Tess sa kwarto ng anak ko at napuno ako ng pag-aalala dahil inabutan ko siyang umiiyak.

"What happened anak?"
Agad kong nilapitan si Cassie.

"Maiwan ko po muna kayo."
Saad ni manang Tess at nakita kong tumulo ang luha mula sa mga mata niya bago niya kami iwan ni Cassie.

Niyakap ako ni Cassie, sobrang higpit at patuloy siya sa pag-iyak.

Humihikbi rin siya at nahihirapan sa paghinga, ganitong-ganito rin nang abutan ko siya sa shower room nang gabing niloko siya ni Xander.

I guess the same thing happens to my daughter.

"Wala na si Tommy mommy, he left me."

"Who's Tommy anak?"
Tanong ko habang pinupunasan ang luha ng anak ko.

"Hindi ba ako karapat-dapat mahalin mommy??"

"Ano bang mali sa akin??"

"Bakit palagi na lang akong sinasaktan ng mga minamahal ko?"

I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Where stories live. Discover now