CHAPTER 7

6.2K 143 1
                                    


I FELL IN LOVE WITH A STRANGER
CHAPTER 7






CASSIE'S POV

Agad akong sumakay sa atv, binaling ko ito at nagmadaling nagmaneho pababa upang makarating ako sa kinaroroonan nung tao.

Nang makababa na ay nilapitan ko siya.

"Oh my god."
Mahina at kabado kong sabi.

May dugo ang ulo niya na tila natama sa bato at may dugo rin ang kanang tagiliran at kaliwang braso niya.

Chineck ko ang pulso niya at tumitibok pa ito. Dahan-dahan ko siyang tinapik sa muka upang magising siya ngunit hindi siya gumigising.

Ano bang nangyari sakanya at bakit siya sugatan at duguan?

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa atv at tinawagan ko sina manang Tess at manong Boyet.

"I need your help manong Boyet. May lalakeng sugatan dito sa dalampasigan."

"Naku, e baka masamang tao po yan ma'am mag-iingat po kayo."

"Wag muna po nating isipin yon manong. Ang mahalaga ay mailigtas natin siya."
"Please pumunta na po kayo dito."

"Sige po ma'am hintayin nyo po kami."

Napatingin ako sa karagatan at may speed boat sa hindi kalayuan.

Marahil ay sakay siya noon bago siya mapadpad dito.

"Señorita."

Sa wakas ay dumating na si manong Boyet kasama ang tatlo pang tauhan.

"Manong boyet, isakay nyo na po siya sa sasakyan at dalhin sa rest house."

"Masusunod po señorita."

Nang maisakay ang misteryosong lalake sa sasakyan ay tinuro ko sa dalawang tauhan ang speed boat sa di kalayuan. Sila na daw ang bahalang gumawa ng paraan upang makuha ito at dadalhin nila sa storage house.

Dahil dalawa ang ginamit na sasakyan ay sumakay na ako sa sasakyan na minamaneho ni manong Boyet at iniwan ko na sa tauhan yung susi ng atv upang madala nila ito sa storage house.

"Saan kaya siya nanggaling at sugatan siya?"

"Hindi ko rin po alam manong. Nasa dulo ako ng cliff kanina at paglingon ko sa dalampasigan ay nakita ko siya kaya agad ko siyang pinuntahan."

"Mag-aalala po si ma'am Sandra niyan kapag nalaman niya ito."
Saad ni manong Boyet.

"Huwag na lang po muna nating ipaalam kila mommy dahil tyak na mag-aalala siya."
"Hindi ko na siya dapat tutulungan dahil kagaya po ng sabi nyo ay baka masamang tao siya ngunit sa kabilang banda ay nag-aalala ako para sakanya manong dahil sugatan at duguan siya."

"Gusto nyo po bang ipaalam natin ito sa mga pulis?"
Tanong niya.

"Wag po muna. Sa ngayon ay tulungan muna natin siya at kapag magaling at nagising na siya saka muna natin siya kilalanin tapos siguro pwede na tayong humingi ng tulong sa mga pulis para maparusahan ang may gawa sakanya nito."

Ganoon na lang ang pag-aalala ko sa misteryosong lalake kahit na hindi ko alam kung anong pwede niyang gawin sa amin once na magaling na siya.

Napatingin ako sakanya at puno pa rin ako ng pag-alala.


Pagkalipas ng halos kalahating oras ay nakarating na kami sa rest house.

I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon