CHAPTER 3

7.2K 158 1
                                    


I FELL IN LOVE WITH A STRANGER
CHAPTER 3








CASSIE'S POV

Nandito na ako sa mansyon at inabutan kong nagkukwentuhan sina mommy at daddy sa sala.

"I'm home."
Masaya kong sabi at lumapit ako sakanila upang humalik sa pisnge nilang dalawa.

"Parang alam ko na kung kanino yan nanggaling."
Ngumiti si mommy at nagtinginan sila ni daddy.

"Yes mommy, kay Xander 'to galing."
Alam ko na kasi ang nasa isip nilang dalawa.

Nagtawanan kaming tatlo.

"Nanliligaw na ba siya sayo?"
Tanong ni daddy.

"I think so daddy."

"Okay good. Basta wag niyang kalimutan na ligawan rin kami ng mommy mo."

"Don't worry. I will tell him dad."

"Okay. Basta wag ka niyang sasaktan at papaiyakin kasi ako ang makakatapat niya."

"Hindi lang ikaw, pati ako din."
Sambit ni mommy at nagtawanan na naman kaming tatlo.

Nakakatuwa talaga sila, sobrang swerte ko dahil sila ang magulang ko.

Kinabukasan ay naghanda na ako sa pagpasok sa trabaho. Matapos kong maligo ay nag-ayos na ako para hindi ako ma-late. Nang nakapag-ayos na ako ay chineck ko ang phone ko at may text pala sa akin si Xander.

"Good morning Cassie."

"Good morning din Xander."
Napangiti ako habang tinatype ang message na ito dahil naalala ko pa rin yung kagabi. Kung paano niya ako titigan at alalayan pasakay ng kotse. Pati na yung binigay niyang pabango sa akin.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ako ng kwarto dahil kakain na ako ng breakfast.

"Good morning mommy, good morning daddy."
Humalik ako sa pisnge nila.

"Good morning anak. Mukang maganda ang gising mo ah."
Saad ni daddy at humigop siya ng kape.

"Si daddy talaga."

"Halina at kumain na tayo ng breakfast para hindi tayo ma-late sa opisina."

Nagsimula na kaming kumain. Nagluto si mommy ng fried rice, bacon, egg at mushroom soup.
Matapos naming kumain ay pumunta kami ni mommy sa wash room para makapagtoothbrush habang hinahanda na ng driver ang mga sasakyan.

Nauna na si daddy sa garahe at paglabas namin ni mommy ay may kausap si daddy.

Humarap sa amin si daddy,
"Oh eto na pala sila."

"Good morning Cassie, good morning po tita."

Bumeso si Xander kay mommy.

Tila napako ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam kung bakit nandito si Xander at kausap pa niya si daddy kanina.

"Nagpaalam sa akin si Xander na ihahatid at sundo ka daw niya sa opisina."
Saad ni daddy. Nagulat ako at napatingin ako kay Xander.

I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon