CHAPTER 14

5.2K 122 2
                                    

I FELL IN LOVE WITH A STRANGER
CHAPTER 14

CASSIE'S POV

Kinabukasan ay nag-empake kami ni Tommy ng kaunting damit dahil may pupuntahan kaming beach dito sa Batangas.

Nagpaalam na kami kay manang Tess at nagsuot na kami ng helmet at sumakay na kami kay Swifty.

Nakayakap si Tommy sa akin ngayon dahilan upang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Sobrang sarap sa pakiramdam sa tuwing niyayakap ako ni Tommy.

Sobrang kumportable at nararamdaman ko yung init ng pagmamahal niya.

"Are you ready?"
Tanong ko.

"Yes I am mahal ko."

"Okay let's go mahal ko."

Pinaandar ko na si Swifty at lalong humigpit ang yakap ni Tommy sa akin, marahil ay dahil sa bilis ng takbo ni Swifty.

Ilang sandali pa ay nakalabas na kami sa gate ng hacienda.

Ito ang unang beses na may angkas ako dito kay Swifty at si Tommy pa ito kaya ang saya ko. Excited na ako sa pupuntahan naming beach dahil ito ang unang getaway namin ni Tommy bilang magnobyo at nobya.

Pagkalipas ng isang oras na pagmamaneho ay nakarating na kami ni Tommy sa isang beach resort dito sa Batangas.

"Good morning ma'am, good morning sir."

"Good morning."

Inihatid na kami ng resort staff sa villa. Nagpalit na kami ng damit na pangpaligo at lumabas na kami para makapaglibot sa beach.

Nakatwo-piece swimsuit ako na kulay blue habang si Tommy naman ay nakashorts na red at topless siya.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha sa katawan ni Tommy. Habang tumatagal kasi ay lalong gumaganda ang katawan niya. Marahil ay dahil ito sa pagtulong niya sa pagbuhuhat sa hacienda. Bagay pa niya ang salamin na binigay ko sakanya dahil matangos ang ilong niya.

Gayunpaman ay pinipigilan ko ang sarili ko sa kung anuman ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko ang katawan ni Tommy at mas nangingibabaw pa rin yung pagmamahal ko sakanya.

"Ang ganda."
Saad ko habang naglalakad kami ni Tommy sa beach.

"Ang ganda nga."
Nakaharap siya sa akin, at medyo na-conscious ako.

"Sobrang ganda."
Saad pa niya kaya pinisil ko ang pisnge niya dahil alam kong binobola niya ako.

"I'm just being honest mahal ko."

Pakiramdam ko ay nagbablush na ako ngayon.

"Magpose ka dyan mahal ko."
Kinuhanan ko siya ng litrato gamit ang underwater cam ko.

"One more."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Where stories live. Discover now