CHAPTER 20

6.1K 138 5
                                    



I FELL IN LOVE WITH A STRANGER
CHAPTER 20





CASSIE'S POV


"Good morning manang Tess!!"

Yumakap ako kay manang Tess dahil na-miss ko siya.

"Good morning din señorita, ang blooming mo ngayon ah."

"Asus thank you po manang, na-miss ko po kayo."

"Na-miss ka rin namin dito sa hacienda señorita."


Gamit ang kotse ko ay nagbyahe ako papunta dito sa Batangas dahil ako ang mamamahala ng kumpanya namin dito for two weeks.

Agad akong nagpalit ng damit at pumunta ako sa kwadra upang makapamasyal.

"Good morning señorita."

"Good morning po manong Boyet."

"Ayan nakakundisyon na si Misty dahil alam kong mamamasyal kayo pagdating mo dito."

"Thank you po manong."

"Hello Misty, na-miss mo ba ako?"
Hinimas-himas ko si Misty at sumakay na ako sakanya.

"Maiwan po muna namin kayo manong Boyet."

"Sige po señorita, mag-iingat po kayo."

"Salamat po manong."

Pinatakbo ko na si Misty, hindi pa rin siya nagbabago at ang bilis pa rin niyang tumakbo.

Nang makarating kami sa isang malaking puno ay pinahinto ko na si Misty at bumaba ako.

"Ahhh!"
"Na-miss ko ang fresh air dito Misty."

Itinaas ko ang dalawa kong kamay at umikot-ikot ako na parang bata.

Dinama ko ang preskong hangin at ang kapayapaan ng lugar.

Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng lungkot dahil bigla kong naalala ang masasayang pinagsamahan namin ni Tommy.

"Will you marry me someday?"

Napangiti ako ng mapakla.

Kaya naman bago pa ako magsenti mode ay sumakay na ako kay Misty at pinatakbo ko siya papunta sa cliff.

Nang makarating sa cliff ay bumaba na ako at muling lumanghap ng preskong hangin.

Huminga ako ng malalim at bumuhos ang luhang kanina ko pang pinipigilan at napagdesisyunan kong sumigaw at ilabas ang lahat ng dinadala ko dito sa dibdib ko.

"I hate you Tommy!!!"

"Sabi ko nakamove on na ako pero ang totoo ay hindi pa rin!!"

"Sana makalimutan na kita!!"

"Sana mawala na yung sakit na dinulot mo sakin!!"

I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα