CHAPTER 17

5.3K 131 3
                                    



I FELL IN LOVE WITH A STRANGER
CHAPTER 17



CASSIE'S POV


Matapos naming maligo ay inaya ako ni mommy sa garden upang makalanghap ng preskong hangin. Naunang bumaba si mommy at hihintayin niya daw ako sa sala at nang pababa na ako sa hagdanan ay may batang nagsisigaw.

"Tita!!!"

"Oh my god Cyrille!!"

Agad akong bumaba at sinalubong ng yakap si Cyrille.

"I missed you tita, I missed you so much."
Pinaulanan ako ni Cyrille ng halik sa pisnge at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Bakit namamaga yung eyes mo tita ganda?"
Tanong ng inosenteng bata.

Napangiti ako ng mapakla at napaluha rin.

"Why are you crying tita?"
Pinunasan niya ang luha ko.

"Nothing, Cyrille, I'm just happy that you're here."

"I'm also happy that I'm here tita. I have something for you."

Inakay niya ako papunta sa couch at naupo kami sa tabi ni mommy.

Kinuha niya ang bag niya at may inabot siyang papel sa akin na may drawing na babaeng nakangiti.

"That's you tita. Because you're always smiling."

Napangiti si mommy dahil kay Cyrille.

"Do you love it Cyrille when tita Cassie is always smiling?"
Tanong ni mommy.

"Of course yes granny, I love it when tita ganda is smiling, I love it when everyone's happy."
Sagot naman ni Cyrille.

Simula nang dumating si Cyrille dito sa hacienda ay gumaan ang pakiramdam ko.

Para siyang anghel na nagmula sa langit na palagi akong pinapasaya.

Magkakasama kami nila mommy na natutulog sa kwarto ko at palagi akong niyayakap ni Cyrille.

Ang sarap sa pakiramdam sa tuwing yayakapin ako ni Cyrille, yung yakap ng inosenteng bata na muling nagbibigay ng lakas sa akin na tila ba naiibsan nito ang sakit na nadarama ko dito sa puso ko.

Bago matulog ay hinalikan ako ni Cyrille sa pisnge.

"Good night tita, always remember that I love you."

"So sweet of you. Good night din Cyrille, I love you even more."
Hinalikan ko naman siya sa noo.

Thank you so much Cyrille for bringing back the smile on my face.

Lumipas ang mga araw at linggo at sinabi ko kay mommy na okay lang kung gusto na niyang bumalik sa Manila tutal nandito naman si Cyrille at may makakasama ako palagi.

"Are you sure anak?"

"Yes po mommy, para maasikaso nyo rin po yung naiwan nyong trabaho."

"Okay anak, basta tumawag lang kayo kapag may problema ha?"
"At sana huwag ka nang madepress pa, basta lagi mong tatandaan na marami kaming nagmamahal sa'yo okay?"

"Yes po mommy. I love you."
Niyakap ko si mommy.

"I love you too anak."


Kinabukasan ay umalis na si mommy, nagpahatid siya kay manong Boyet sa Manila.

"Tita?"

I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Where stories live. Discover now