KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?

6.2K 82 9
                                    

Note: next chapter is the finale

KASALANAN BA ANG MAGMAHAL?
PROLOGUE



Papasok na sana ako ng kwarto nang marinig kong may kausap si Justin sa phone.

"So kelan mo siya ipapakilala kila mommy?"

Nakaloudspeaker ito kaya malinaw kong narinig ang boses ng kausap niya.

"Ano ka ba 'tol? As if namang magugustuhan siya nila mommy."

Sino kaya ang pinaguusapan nila?

"Why not? 'Di ba ikaw na nga ang nagsabi na maganda siya at mabait."

"Oo naman, but compared to Jessie, hindi siya successful. Ayaw nga ni Alex na tapusin yung degree niya. At anong sasabihin ko kila mommy? That we met in the club?"
"Hindi ko rin alam kung ano ang pangarap ni Alex o kung may pangarap nga ba siya."

Tila nasugatan ang puso ko dahil sa sakit ng mga salitang binitiwan ni Justin.

Ako pala ang pinag-uusapan nila.

"Siguradong tututol si mommy sa relasyon namin kaya hindi ko na lang ito ipapaalam sakanila."

"Bakit hindi mo subukan 'tol? If that woman makes you happy then ipaglaban mo siya kila mommy."

Tumawa lang si Justin.

"Sige na sige na I have to go."

Para saan pa itong relasyon namin kung wala naman pala siyang balak na ipakilala ako sa parents niya?
Kaya niya lang ba nasasabing mahal niya ako dahil napapaligaya ko siya sa kama?

Oo alam kong rebelde ako at hindi ko pa natatapos ang pag-aaral ko pero hindi naman ibigsabihin non na wala akong pangarap na hindi ako magiging successful.

Gusto ko lang naman ng freedom sa ngayon at ayokong magpakasal sa anak ng business partner nila daddy kaya ako nagrebelde.

Agad akong nagpunas ng luha at uminom ako ng tubig. Nagkunwaring wala akong narinig.

Lumabas si Justin mula sa kwarto at nilapitan niya ako.

"O babe bakit namumula ang mata mo?"

Tanong niya at hinimas ang muka ko.

"Nahilam ako ng sabon nang maghilamos ako kanina."
Palusot ko.

"Okay, mag-iingat ka next time para hindi ka na ulit mahilam."
"I love you babe."
Saad niya at hinalikan ako sa labi.

Ang lambing niya at para bang hindi niya sinabi ang mga salitang narinig ko kanina.

"I love you too."
Sagot ko naman para hindi niya mapansin na masama ang loob ko.

Niyakap niya ako at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito.

Sinusumpa ko na darating ang araw na pagsisisihan mo Justin ang lahat ng masasakit na salitang binitiwan mo.



Kindly add my fourth story in your library for updates.

"Kasalanan Ba Ang Magmahal?"

Alex/Alexandria Torres
   - The smart, sweet, beautiful but a rebel daughter of the richest businessman in Cebu

Justin Martinez
  - The favorite son of Mrs. Martinez, a successful man, very handsome and has a strong sex appeal, half brother of Anthony

Jessie Garcia
  - The ex-girlfriend of Justin, a doctor and a successful woman

Anthony Vasquez
  - The half-brother of Justin, a successful man and very down-to-earth person

I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Where stories live. Discover now