CHAPTER 5

5.6K 147 2
                                    


I FELL IN LOVE WITH A STRANGER
CHAPTER 5






CASSIE'S POV

Lumipas ang mga araw at naging inconsistent si Xander. Minsan niya na lang ako masundo at maihatid sa bahay at bihira na rin siyang tumawag tuwing gabi para magsabi ng goodnight sa akin.

Dahil ba hindi ako pumayag na may mangyari sa amin?
Dahil ba dalawang beses akong tumanggi sakanya?

Napayakap ako sa unan ko at nalungkot dahil iyon lang ba ang basehan ng pagmamahal?

Siguro ay sobrang mahal ko si mommy at ayokong suwayin yung bilin niya.

"Good morning anak."
Bati ni mommy at hinalikan ako sa pisnge.

"Good morning mommy."

"Wala ka bang sundo ngayon?"

"Wala mommy, busy si Xander e."
Dahilan ko kahit hindi pa kami nagkakausap.

Matapos kumain ng breakfast ay nagpaalam na ako kay mommy dahil papasok na ako sa trabaho.

Pagdating ko sa opisina ay nagtext ako kay Xander.

"Nandito na ako sa office."

"Okay ingat ka today babe."

"Okay, ikaw din."

Nagbrowse ako ng cellphone ko at pinagmasdan ko ang mga pictures namin ni Xander. Nakakalungkot isipin kasi bigla na lang kaming naging hindi okay.

Tiningnan ko ang Facebook account ni Xander para icheck yung activities niya pero hindi naman siya naga-update.

Hmmm. Baka naman busy lang talaga siya sa trabaho at hindi dapat ako maging paranoid.

Tumingin ako sa calendar at malapit na pala ang 29th birthday ni Xander. Alam ko na, isusurprise ko na lang siya sa birthday niya para makabawi ako sakanya.

I still have two weeks to prepare for his birthday.

"Good evening babe."

"Good evening din babe."
Iniabot sa akin ni Xander ang bouquet ng bulaklak.

"Pasensya na kung ngayon na lang ulit kita nasundo."
Hinalikan niya ako sa noo.

Niyakap ko siya ng mahigpit,
"Na-miss kita babe."

"I miss you too babe."

Kumain kami ni Xander sa isang Japanese restaurant at habang kumakain ay pinagusapan namin ang birthday celebration niya.

"I'm planning to celebrate my birthday in our rest house in Bulacan."

"Malaki yon at may dalawang pool. Gusto ko sana yung may pool party at may DJ. Good music plus unlimited drinks."

"Mukang maganda yon babe. Sinu-sino ang bisita mo?"

I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon