CHAPTER 18

5.5K 142 9
                                    



I FELL IN LOVE WITH A STRANGER
CHAPTER 18




CASSIE'S POV

"Go tita ganda!"

"You can do it anak!!"

11th anniversary ng Amazing Wheels Philippines kaya ito, kasali ulit ako sa race.

Matapos kong painitin si Phoenix ay pumwesto na ako kasama sila Dominic at ang iba pang kalahok sa race.

"Woooahh!"

"We have the same champion!!"

Narinig kong sabi ng hosts.

I'm so back, eto na ulit ako, ang dating Cassie na masiyahin at active ang lifestyle.

Paghinto ko ay pinarada ko si Phoenix, inalis ko ang helmet ko at nakita kong papalapit sa akin sila daddy. Kumaway sila sa akin at kitang-kita sa mga muka nila ang saya.

"Congrats!"
"You made it again anak!"
Niyakap ako nila daddy at mommy pati na rin ni Cyrille.

Nakakatuwa dahil ako ulit ang nagchampion sa race na ito.
Matapos ang awarding ay agad kaming bumalik sa Manila dahil naka-admit si ate Sam sa ospital at kasama niya si kuya Andrei.

Dahil may dala na kaming mga gamit at damit ay sa ospital na kami dumiretso.

"Mommy!"
Agad na lumapit si Cyrille kay ate Sam at hinalikan niya ito sa pisnge pati na si kuya Andrei.

"Look mommy and daddy, may medal and trophy kami ni baby Nico."

"Wow naman."
Natutuwang sabi nila kuya Andrei.

"Congrats sis, ang galing mo."

"Thank you ate Sam and kuya Andrei."

Nagshower na muna ako at binalikan ko sila ate Sam.

"O eto na, you must watch this."

Naiedit na pala ni daddy yung mga videos kanina nung race.

"Wow! Ang galing mo don Cassie."
Saad ni kuya Andrei nang malagpasan ko yung tatlong kalaban ko.

"Pasalamat ka hindi ko nagiligan ang big bike, kung nagkataon second ka lang."
Pang-aasar ni kuya.

"Ang yabang nito."
Saad ko naman.

Nagtawanan sila daddy.

"Just kidding!"
Ginulo ni kuya Andrei ang buhok ko.

Pagdating ng 9pm ay dinala na si ate Sam sa operating room habang kami ay nagdadasal para sa safe delivery ni baby Nico.

Kabadong-kabado si kuya ngayon, pinagapawisan siya at hindi mapakali,

Hinimas ko ang likod ni kuya Andrei,
"Kalma lang kuya, kayang-kaya ni ate Sam yan. Si ate Sam pa ba?"

"Thanks Cass."
Huminga ng malalim si kuya.

I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin