Chapter 46

257 10 2
                                    

The whole ride was very uncomfortable, hindi ko alam pero para sa akin uncomfortable. Hindi ako makahinga kahit na ang lakas lakas na ng aircon ng sasakyan niya.

"Hey, you okay?" napatalon ako ng biglang pinatong ni Joao ang kamay niya sa hita ko.

"Y-yes." mahina kong sinagot.

I have a bad feeling about this, knowing there's Tita Myrna plus the management, masamang masama ang kutob ko.

"Russ..." hindi ko napansing may kausap si Joao sa cellphone.

"Yeah, we're on our way too...yes, me and Amara..." ngayon nakatingin na siya sa akin ng nakakunot ang noo.

"Dude, it's just Amara...anong problema doon?!" nagulat ako ng tumaas ang boses niya.

Hinilot niya ang noo niya habang nag-drdrive.

"Amara, no matter what happen you'll always stick with me right?" yung kaninang masayang mukha napalitan ng pagod.

Hindi ko siya tinignan, hinarap ko na ang sarili ko sa bintana habang bumilis ang harurot ng sasakyan.

"Ofcourse." tipid kong sagot.

I heard him sigh in relief, no matter what happen, Joao, hinding-hindi kita iiwan.

Dumating kami sa Mall of Asia at diretso sa Blackbeard's Seafood Island.

Nakita kong may mahabang lamesa doon na mukhang naroon na nga silang lahat.

Bahagya akong napaatras sa nakita ko, nakita ko si Tita Myrna doon na nakikipagtawanan sa mga matatanda, probably, Joao's management.

"Hey, you stick with me, right?" napatigil din si Joao sa paglalakad.

Huminga ako ng malalim at tumango.

Sumalubong sa amin si Russell na naka-polo shirt at khaki shorts.

Ngumiti siya sa akin at nakipag-beso.

"I didn't expect Amara to be here.." ngumiti siya sa akin, hindi ko alam kung sarkastiko siya doon o ano.

"Is she here?" narinig kong bulong ni Joao kay Russell.

Bago sumagot si Russell tinignan niya ako.

"She'll be here soon." ngumiti ito at naglakad na papunta sa mahabang lamesa.

Hawak hawak ang aking kamay, binati ng mga tao sa lamesa si Joao.

"Joao, buti hindi ka late ngayon!" bati ng isang lalaki sabay tingin sa akin.

Nawala ang ngiti niya at napakunot ng noo.

"Who's this beautiful girl? Mukhang naka-jackpot ah?" lumapit siya sa akin at sinuri ako.

"Goodevening po." at ngumiti ako.

"What's your name?"

"Amara."

at tumawa eto.

"Excuse us, puntahan lang namin si Mama." sumingit si Joao.

"Darling, I can't imagine your mother's reaction na may kasama kang babae...nakakalimutan mo yata kung anong purpose ng meeting na ito..." tumaas ang kilay neto.

Same Ground //  Joao Constancia [ON GOING]Where stories live. Discover now