Chapter 42

188 14 8
                                    

"Ok na ba lahat?" tanong ko kay Joao na ngayon ay naka-upo na sakanyang kama.

He's in a good condition na though his wounds are still fresh.

"Everything's packed up." ani niya.

Ngayon, hinihintay nalang namin yung driver niya na pupunta dito para ihatid kami sa unit nila.

At ako naman, pagkahatid kay Joao, pupunta ako sa condo namin ni Ate at kukuha ng gamit.

Hindi parin matanggal sa isipan ko kung kamusta na ang lagay ni Mama. Is she okay na ba?

Bago bumaba si Joao kasama ang PA niya hinalikan niya muna ako sa noo.

"I'll see you later okay? Call me when you arrived there." at bumaba na siya.

Sumilip ako sa huling sandali, nakita kong may mga taong nag-aabang sakanya sa harap ng condominium na tinutuluyan niya.

Panay babae.

Probably, some fans.

Bago ako bumaba sa van na gamit nila Joao tinipa ko ang cellphone ko para masabi kay Ate na kukunin ko na ang ibang gamit ko.

Ate:

Hi, nandito ako ngayon sa unit and I'll get my things. Please call me kung may update na kay Mama.

At doon na ko nag-umpisang maghanap ng gamit.

Naramdaman kong nag-ring ang cellphone ko hudyat na may tumatawag.

Agad ko itong sinagot.

"Hey..." si Joao.

Napakunot ako ng noo, anong problema nito?

"Hmmm, bakit ka napatawag?" tanong ko, "May problema ba?" karagdagan ko.

"Nothing, I just miss your voice." ani niya.

Napairap ako ng di oras sa sinabi niya, seriously, yun lang?

Ang laking problema ha.

"Don't distract me, Joao. End this call para mapabilis akong makaalis dito..." sabi ko.

Hindi siya kumibo.

"Babalikan kita jan, wag kang mag-alala." dagdag ko.

I heard him sighed on the other line.

"I-loud speaker mo, I'm just worried you know." sagot niya.

Ano naman ang ikaka-worried niya? Baka madapa ako ganun?

"For what?" pagtataka ko.

Para saan nga ba?

"Basta, para alam ko kung anong ginagawa mo." sabi niya sa kabilang linya.

Seriously though, how can he know kung phone call lang ang gamit namin.

Hindi na ako nakipagtalo pa, hinayaan kong naka-loud speaker amg call.

At nagpatuloy na nag-aayos ng gamit.

"May katext ka yata ah?" narinig kong sabi ni Joao sa kabilang linya.

Napakunot ako ng noo, ano nanaman pinagsasabi neto?

"What?" pagtataka ko.

"I think your phone just vibrated, check it kung sino, baka lalaki yan..." Seriously, Joao? Sa dami ng iisipin, lalaki pa ang sumagi sa isip.

Tinignan ko at si Ford ang nag-text.

Ford:

Pinapasabi ng ate mo na mag-ingat ka papunta sa unit namin.

Same Ground //  Joao Constancia [ON GOING]Where stories live. Discover now