Chapter 32

195 16 3
                                    

"Hey." bati niya ng nakalapit ako sakanya.

Malamang hindi pa nakikita mukha ko dahil nakayuko palang ako.

"Hey, come on, don't be shy, what's your name by the way?" nanginginig ako ng sobra, sana hindi niya napapansin.

Napapikit ako ng mata ng narinig ko siyang tumawa.

"You're shaking so hard. C'mon." hinawi niya ang nakatikas kong buhok.

"Oh, Joao mukhang mahiyain partner mo, sayawan mo na yan!" sigaw ng emcee.

Nanlaki ang mata ko, oh no.

"Sayawan daw kita oh." bulong sa akim ni Joao.

SHET KA JOAO! WAG!

"Walang malisya ito ah, baka kasi magseselos girlfriend ko." bulong niya ulit.

Napapikit ako, sumilip ako sa dako ni Ford.

Mukhang nag-aalala na siya sa akin.

"Help." sabi ko kay Ford ng nakatingin sa akin.

Ngumiti siya pero agad naglaho.

I'm in a big trouble.

Ng nag-umpisa na ang music nag-sigawan na ang mga tao.

Hinawi ko na ang buhok ko at pinakita ang mukha ko.

Bahala na jan, kung anong mangyayari.

Sa ngayon, hindi pa nakikita ni Joao ang mukha ko dahil naka harap siya sa mga tao.

Naluluha na ako.

Ng humarap na siya, doon nagbago ang ekspresyon niya.

Napatigil siya sa pagsasayaw.

"A-amara?!" his voice broke.

Yung mata niya tila nanliit.

Hindi ako kumibo ng nakita niya ako.

Nakatayo lang ako doon at naluluha, oo, Joao, ako ito, si Amara.

Kinagat niya ang mga labi niya at tumingala.

Nakita kong may luhang nagbabadyang bumuhos.

"Huy, Joao!" gulat ng emcee. Agad nilapitan ni Ford ang emcee at may binulong.

Nakita kong may luhang tumulo sa pisngi ni Joao. Hindi na din maiwasang maluha kagaya ko.

"Where have you been, Amara?" bulong ni Joao sabay yakap sa akin. Sobrang higpit, nawalan ako ng hininga sa sobrang higpit.

"I missed you so much." bulong niya.

"I miss you, too..." sinubukan kong huminga ng malalim pero masyadong makapit si Joao.

Nagsigawan ang mga tao at nagulat din ang mga kasama ko sa ginawa ni Joao.

Agad kaming hinila ng mga Marshall papunta sa backstage.

"Sorry guys, pero silang apat muna ang maglalaro, we have a personal matter that's going on..." narinig ko sa emcee.

Ng nakababa kami ng stage, hindi matanggal ang tingin sa akin ni Joao.

Niyakap niya nanaman ako ng mahigpit.

"Don't you ever leave me again like that..." bulong niya sa akin.

Tumutulo parin ang luha ko.

Ayaw ko ng kumawala sa mga yakap niya pero pinaghiwalay kami ng mga Marshalls.

"Joao, pumunta ka na sa stage..." banta ng isang lalaki.

"One minute." sabi ni Joao. Mas hinigpitan niya ang mga yakap niya.

Same Ground //  Joao Constancia [ON GOING]Where stories live. Discover now