Chapter 35

194 14 2
                                    

Tinignan ako ni Joao at pabalik kay Mama na nakatayo sa harap ng gate.

"A-amara..." halos hindi makapagsalita si Joao.

Wala namang galit si Mama kay Joao diba? Pero bakit sobra akong kinakabahan?

Pinark ni Joao ang sasakyan na gamit miya sa gilid ng kalsada.

Sabay kaming bumaba at hinarap si Mama.

"Mukhang ginabi yata ang pagbibili mo ng school supplies, Amara, mahaba yata pila sa mall?" nahalata ko ang sarkastiko sa tono ng pananalita ni Mama.

"Good Evening po, Tita." Ngumiti si Joao kay Mama at ngumiti naman ito pabalik.

"I see you really searched for my daughter, Joao." naguluhan ako sa sinabi ni Mama.

Anong pinagsasabi niya?

"Nagkataon lang po tita na nag-mallshow po kami, and then she also went there." ani ni Joao.

For fuck sake Joao! Wala na buking na ako!

"Oh, akala ko ba school supplies punta mo doon, Amara?" at nakita kong tumawa si Mama.

Seriously, I thought she's fine with Joao, what happened?

Parang lumalabas na she's against him!

"It's getting cold here, pasok ka muna, Joao." alok ni Mama.

Agad ko naman hinila si Joao sa loob. Pumasok kami't mukhang tulog na silang lahat except for Mama.

"Care to explain everything?" tumaas ang kilay ni Mama.

This is making me dizzy, all I thought was she's okay na magkasama kami ni Joao. She's even the one who encourage me to give Joao a chance.

Anong nangyari? Bumaliktad na ba ang mundo?

"We just hang out, Ma. Nothing personal." panimula ko.

"Amara, go to your room." nagulat ako sa sinabi niya.

For what? Nandito pa si Joao! I can't just leave him here!

"Ma..." banta ko.

"Go to your room." diin niya.

Tinignan ko si Joao, umigting ang panga niya.

"Joao..." dinaluhan ko siya.

"Shh...Amara,don't you ever disobey your Mother, now go to your room, I'll be fine..." bulong niya sa akin sabay halik sa noo.

I heard Mama hitched from her breath.

May mali na talaga dito. Masama na kutob ko.

I pretented as if I am already at my room, pero sa katunayan nasa madilim na parte ako malapit sa kwarto ko.

Ano kaya ang paguusapan nila?

"How many times do I have to tell you to stay away from my daughter?" rinig na rinig ko ang boses ni Mama.

"I love your daughter, Tita. Hindi ko po magagawa yun sa anak niyo." sumagot si Joao.

Same Ground //  Joao Constancia [ON GOING]Where stories live. Discover now