Chapter 4

285 11 0
                                    

Dumating ang araw na first practice namin sa recognition. Pang-5th ako't si Jayden ay pang-8.

"Okay, Grade 10 students dito kayo uupo na side. 1-10 po ang arrangement okay? Walang lilipat ng upuan." Ani ni Ma'am De Guzman.

Umirap ako sa kawalan, katabi ko si Joao sapagkat pang-4th siya. Nakita ko siyang nakangisi sa akin pero di ko siya pinansin.

"Hey, Miss Cheap." Bulong niya ng tumabi siya sa akin. Sinubukan kong ngumiti pero hindi ko nagawa.

If this guy gets on my nerve, I swear, I'll punch him.

"Okay, Grade 10, sa side na kayo ng stage susunod na kayo."

Sumunod ako kay Joao papuntang stage. I looked at him, with his braces and eyeglasses. Kumunot ang noo ko, laki rin pala pinagbago ng lalaking ito.

He caught me looking at him but I looked away. Grabe ilang beses ba ito mangyayari sa akin sa buong buhay ko? Lagi akong nahuhuling tumitingin sakanya.

He smirked at me and looked away immediately. I heard giggles coming from the girls at my back. Mga echosera, sa akin nakatingin hindi sainyo.

"Joao Micael Constancia...son of Mr. and Mrs. Bernz John Constancia..." agad naman tumaas sa stage si Joao. At ganun din ang nangyari sa mga sumunod hanggang sa matapos ang practice.

Dinaluhan ako ni Jayden, "Amara, Mom called me and pina-painvite kayong dalawa ni Kate mamaya sa dinner, if that's okay with you? Dahil si Kate ok na daw sakanya." Nakatayo kami sa gitna ng gymnasium namin.

"Ya sure, I'll ask my mom about that." I called her after 5 minutes at agad naman siyang pumayag, basta raw di ako magpapagabi.

Excited akong umuwi para magpalit. Wala pang tao sa bahay dahil si Mama ay nasa trabaho pa.

"Amara! Nandito na kami!" Sigaw ni Kate sa labas ng gate namin. "Teka!" Sigaw ko pabalik.

Pagkalabas ko, nakita ko si Kate na nakatayo sa harap ng bahay namin at si Jayden sa MUX niyang sasakyan.

"Ano na? Tara na!" aya ni Jayden. Sumakay ako sa backseat ng kanyang sasakyan samantalang si Kate naman sa front seat.

"Hoy, sino nagsabing jan ka? Si Amara jan." tumingin sa rear mirror si Jayden na nakatingin sa akin.

Nagkibit balikat ako't nakipagpalitan kay Kate. Hindi na siya nagsalita dahil wala naman na siyang magagawa dahil kotse ito ni Jayden.

Dumating kami sa mansion nila Jayden at may dalawang Hi-Ace sa harap ng lawn nila.

"May iba pang bisita?" Tanong ni Kate.

"Sila Tito Bernz lang tas Tita Myrna." sagot niya habang kinukuha ang mga gamit sa likod ng sasakyan.

Pagkapasok ko sa mansion nila naaamoy ko nanaman ang pamilyar ka amoy.

Pinaupo muna kami sa sofa bago nila kami inayang pumunta sa dining area nila.

"No, Dad. I was with my friends a while ago, kung hindi niyo ako tinext probably I'm in my classmate's house." a familiar voice was heard.

"Joao, how many times do we have to tell you, wag kang sasama sa mga taong yan, they're bad influence!" Isang babae ang sumagot.

Same Ground //  Joao Constancia [ON GOING]Where stories live. Discover now