Chapter 31

213 13 3
                                    

"Next week na pasukan mo, wala ka pa bang balak bumili ng school supplies?" tanong ni Ate.

Grabe as if namang highschool student palang ako.

"I know, Ate. I can handle myself." sambit ko habang nagwawalis sa sala.

"Ate you can join me." singit ni Jhen.

Napasigaw ako sa hawak hawak niya.

"Para saan yan?" tanong ko.

"Secret! Hihi!" tili niya.

Nagulat ako, paano ba naman kalaki laking ulo ni Joao hawak hawak niya!

"Sabay ka na sa akin! Bili ka na ng gamit mo! Sa Robinsons." sabi niya habang nagsasapatos.

Tama rin, para wala na akong proproblemahin pang muli.

Naligo na ako, at nag bihis.

"Siguraduhin mong lahat ng gamit bibilhin mo! Baka mag titipid ka nanamn!" sigaw nanaman ni Ate.

"Opo, Ma'am!" sabi ko bago kami umalis ni Jhen.

"Huy para saan ba yang ulo ni Joao?" tanong ko.

"Gusto mo libre kita sa VIP?" at tumawa siya, wow ang yaman naman neto.

"Concert?" napaisip ako.

"Mallshow! Soon ang concert!" at tumili nanaman siya.

"Ahy...magkano ba?" hindi naman sa gusto kong sumama sakanya.

"1000!" sigaw niya.

Nanlaki ang mga mata ko, ang mahal naman!

Napaisip ako, makikita ko si Joao pag sasama ako sakanya.

Tinignan ko ang orasan.

"Huy teka, nagbukas na ba ang Robinsons? Ang aga pa kaya!" Alas diyes palang ng umaga.

"Oo, keri yan teh!" at hinila na niya ako papasok.

Napatigil ako ng nakita kong sarado pa nga ang mall, pero may mga tao na sa labas.

"Ang aga naman ng mga ito!" bulong ko sakanya

"Dedication." tumawa si Jhen.

Ha? Anudaw?

Nakita ko ang mga posters nila Joao. Malamang, mga fans din mga ito.

Ngumiti ako, ang dami din palang supporters tong mga ito.

Gaano katagal ko na ulit siyang di nakita? Feeling ko isang tao na eh!

"Isama mo ako!" bulong ko.

"Sige, sige! Yay!" tumalon-talon siya.

Napangiti ako, next time na yung school supplies may bukas pa naman! HAHAHAHAHA!

Ng nagbukas ang mall, agad kaming pumasok at pumila para bumili ng ticket.

"Huy, Jhen, wag mo sabihin kay Ate na sumama ako sayo ah." sabi ko sakanya.

Eh mamaya kasi baka pagalitan nanaman ako ni Ate, isumbong pa ako kay Mama.

"Makakaasa ka, Ate." sagot niya pabalik.

Mahigit dalawang pu't limang minuto kaming nakapila doon, hanggang sa nakabili na kami ng amin.

"Ohmygod!" sigaw ni Jhen, napapaluha pa.

Ng nakapasok kami sa loob, hinila niya agad ako sa pinakaharap.

"Ayan! Ang lapit natin sakanila!" sumigaw siya.

Napalunok ako, praying na sana hindi ako makita ni Joao.

Same Ground //  Joao Constancia [ON GOING]Where stories live. Discover now