Chapter 14

256 16 2
                                    

Taon at buwan ang nakalipas, sariwa padin sa aking isipan ang mga nangyari noong gabing iyon at kung paano ko kinompranta si Joao sa airport.

At ngayon na nalaman kong nasa Pilipinas nanaman siya't nasa isang sikat na tv show, malabo ng mangyari ang matagal ko ng na-iimagine sa aming dalawa.

Pagkatapos ng araw na iyon, mahigit isang linggo ako nag-kulong sa bahay. Noong bakasyon ding iyon, umuwi si Ate galing probinsya. Doon niya kasi tinapos ang kolehiyo niya at naghanap na ng trabaho dito sa Manila.

I told them even to my friends about it. Simula noong sa Bora at sa airport. Lahat-lahat. They supported me sa mga oras na mag-hihit nalang ng realization ang mga pinag-gagawa ko. It was very depressing actually.

"Labas kayo ni Hannah ngayon?" tanong ni Ate sa akin. Yes, nag-aya si Hannah na pumunta sa usual place na pinupuntahan namin last 4 years.

"Yes," sinuklay ko ang buhok ko. "Text mo nalang ako kung may problema o ano..." at sabay kuha ng mga gamit ko.

"Sus, enjoy your date with your sister-in-law..." at tumawa siya.

Bastos.

"Tse! Manahinik ka ate!" At tumawa rin ako.

Nagtawag ako ng taxi at sinabi ang destinasyon ko. Dineretso ako't nakita ko agad kapatid ni Joao sa harap ng mall.

"Ate Amara!" she exclaimed.

Tumakbo siya papalapit sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yapak at beso.

"Tara! Gutom na ako." sabi niya sabay hila sa akin papasok sa resto'ng lagi naming pinagkakainan.

"Steak nalang sa akin, how about you ate?" she asked. Ako naman ay tulala nanaman.

"Ui, ate!" At tumawa siya. "Ay sorry! Parehas nalang tayo, wait lang punta ako ng cr..." at tumayo ka.

Tinignan mo ang sarili mo sa salamin, wow, I look shit. Ang lalim ng eye bags ko't mukhang stress na stress ako. Hindi kasi ako nag-ayos bago umalis mg bahay.

I tried to put some enough make up on my face, light lang, tsaka lip tint, cause I'm not really used to lipsticks ngayon.

Lumabas na ako ng nakita kong may tinatawanan si Hannah sa labas ng bintana.

Luh, kelan pa 'to naging baliw?

"Dumb ass!" At tumawa ulit siya. Tinignan ko ang tinatawanan niya sa labas pero di ko makita.

"Our food is just on time!" excited niyang sinabi. "Grabe, gutom na ako, di pa kase ako naglulunch..." nag-usap kami ng tatlong pu't minuto ng biglang may lumapit.

"Hey, he is asking to borrow some money from you?" fluent mag-english, hindi siya pamilyar sa akin.

"What? Tell him I don't have money! May ka-date ako o!" Tinuro niya ako. Tinignan ko ang lalaki.

Mapanga ang isang 'to.

"Aight. I'll tell him..." and he walked out of the resto.

"Eh kung hindi kasi tatanga-tanga edi sana hindi nabasa yung damit..." binulong ni Hannah sa sarili na narinig ko.

"Ha? Sino?" tanong ko.

"Wala." At tumawa siya.

Huh? Sino kaya yun? Baka boyfriend niya?

Ng tumahimik ang paligid, kumuha ako ng lakas na loob na tanungin si Hannah.

"How's your Kuya by the way?"

Same Ground //  Joao Constancia [ON GOING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora