Chapter 16

272 13 4
                                    

Alasyete na ng gabi ako naka-alis sapagkat hinintay ko pa si Mica.

"Sige Amara, una na ako ha. May date pa kasi kami nung..." hindi na niya pinatapos dahil alam ko na agad.

Tumango nalang ako sakanya at nagpaalam na siya.

"Shit. Saan kaya pwede sumakay?" kinausap ko sarili ko.

Sa 20 years kong pamumuhay dito sa mundong ito, ngayon ko lang napuntahan ang lugar na ito kaya hindi pamilyar sa akin.

"Hi Amara!" nakita ko ang isang Toyota Vios sa gilid ng kalsada.

Si Ford.

"Ui Ford!" kumaway ako sakanya.

"May hinihintay ka?" tanong niya. "Wala naman...ay ano pala...taxi hinihintay ko!" sagot ko pabalik.

"Walang taxi jan, doon pa sa harap!" tumawa siya.

"Lika hatid na kita, taga saan ka ba?" tanong niya.

Hindi naman sa hindi ko pa siya gaanong close pero kasi nakakahiya din.

"Makati." sagot ko.

"O sakto, sa Makati din punta ko..." sabi niya.

Dahil sa pagod, wala akong ginawa kundi sumakay sa sasakyan niya.

Noong una'y awkward silence ang naganap hanggang sa nakahanap ako ng tanong.

"Kasama ka pala sa Pinoy Boyband Superstar?" tanong ko sakanya.

Humalaghak siya.

"Oo, hindi mo alam?"

Duh, kaya ko nga tinanong.

"Hindi eh." sagot ko.

"Kakatapos nga lang rehearsal kasi liveshow na namin this weekend..." nagbuntong hininga siya.

"Nice. Goodluck sa'yo..." tumango-tango ako.

"Kinakabahan nga ako eh," pinaandar na niya ang sasakyan niya, "kasama ko ang lalakas ng dating..." he chuckled lightly.

"Ha? Sino ba kasama mo?" Pagtataka ko. May ganun?

"Dalawa sila. Si James tsaka si ano..." napaisip pa siya, "Joao."

Eh kaya naman pala eh.

"Ay, di ko kilala..." tumawa ako.

"Di mo kilala si Joao? Eh siya yata pinakasikat sa amin doon eh..." tinignan niya akong nakakunot ang noo.

Little did Ford know.

"Di nga..." at tumawa ako.

"Eh paano mo alam ang PBS?" tanong niya.

"Wala nakikita ko sa TV namin," hindi ko siya matignan.

"Gusto mo pumunta sa liveshow namin?" alok niya.

"Ha? Di na nakakahiya..." malapit na kami sa Makati.

"Sus, sige na. Ireto kita kay Joao..." kinindatan niya ako't tumawa.

"Luuuh...ayoko, iba nalang alokan mo niyan..." tumawa din ako pero uncomfortable.

"Ay...sayang, Joao pa naman yun. Party Prince woot woot woot..." at tumawa nanaman siya.

He clearly doesn't know anything about the relationship between me and Joao. God, this is stresaful than I thought.

Ano kasi Ford...uhmmm...before PBS kilala ko na yan si Joao, naging crush pa nga ko niyan eh...

"Saan bahay mo?" iniba na niya yung topic, thank God.

"Ituturo ko nalang..." at nagpatuloy ang usapan namin. Hanggang sa naanig ko na ang subduvision namin.

"Dito nalang ako sa harap..." tinuro ko ang guard house bago ang gate papasok sa subdivision.

"Sigurado ka?" tinignan ako pero umiwas agad ng tingin at tinignan ang pangalan ng subdivision.

"Malapit lang pala subdivision niyo sa condo'ng tinutuluyan namin..." ani niya. "Condo'ng tinutuluyan ng buong PBS..." dagdag niya.

So that means, kasama si Joao doon?

"Sige, see you when I see you, Amara..." nagpaalam na siya at nagpaalam na din ako bago niya pinaharurot ang sasakyan.

Kinabukasan nun, maaga akong ginising ni Ate.

"Hoy gising na jan, magiging costumer mo pa si Joao! HAHAHAHAHAHAHA!" biro niya.

Shemay. Di parin siya makagetover.

"Ate naman. Buti nga, um-oo ako jan alok mo..." naiinis na ako ha.

"Sige na nga. Maligo ka na, sabay na tayo pupunta sa ABS may internship din ako doon..." napatayo naman ako.

Buti naman Ate, para may kasama akong uuwi mamaya.

Ng nakarating kami, nauna na si Ate sa ABS at ako naman naghintay sa The Loop.

Alas diyes pa naman ang trabaho ko sa SB kaya tumambay muna ako.

Dahil first time ko dito, hindi ko inaasahang maraming mga artista ang masasalubong ko dito.

May mga grupo ng lalaki ang nakita ko. Kilala ko lang naman diyan si Ronnie ng Hashtags, gwapo pala yun sa personal.

Bumili pa ako ng pagkain bago dumiretso sa SB.

"Huy Amara..." bati ni Ford ng nakita akong nakapila sa isa sa mga booth.

"Hi Ford." simple kong bati.

"O baka dito ka naman nagtratrabaho?" sabi niya.

Hinampas ko siya sa balikat at tumawa.

"Gago 'to!" at tumawa ulit.

"By the way, eto si James..." lumabas sa likod niya ang isang gwapong lalaki at tila ma-hyhypnotize ka sa mga tingin niya.

"Hi." bati ko sakanya.

"Eto si Joao..." nakita ko naman sa likod ni Ford, nagcecellphone.

Lumaki ang mga mata ko, not minding the curiosity in Ford's face ng nakita nag reaction ko.

Bigla akong napatalikod sakanila.

"Amara, siya yung Joao na sinasabi ko..." tumawa si Ford.

Gago, di man lang nag-inform na kasama pala siya.

"Joao, siya yung sinasabi ko sayo..." nagulat naman ako sa sinabi ni Ford.

Naku, kung alam ko lang na ganito kadaldal tong si Ford.

"Yeah, we know each other..." mas dumagdag ang kaba ko.

Napalunok ako sa kaba.





Same Ground //  Joao Constancia [ON GOING]Where stories live. Discover now