Chapter 27

207 14 3
                                    

Sa sumunod na araw, wala akong ginawa kundi mag-kulong sa kwarto.

It's not really a good idea na pumasok sa trabaho ngayon, baka makita ko si Joao doon o di kaya'y si Ford.

Sa totoo nga lang, ayaw ko munang makausap din si Ford matapos kong narinig ang mga sinabi ni Joao na napapatungkol sakanya.

My mind is a mess right now, parang ang bilis ng mga pangyayari, nakakasakit ng ulo.

I tried to text Jayden and Kate peri hindi parin sila nag-rereply. Baka mah hangover pa ang dalawa.

Si Mama at Ate ilang beses ng kumakatok pero hindi ko sila pinagbubuksanan ng pinto.

Wala akong mukhang ihaharap sakanila matapos ang mga pangyayari kagabi. Though wala naman dapat akong ikahiya sa mga nangyari, ayaw ko padin magpakita sa kanila.

My life is complicated at the moment.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko.

Nagbabakasakaling si Kate o si Jayden ang tumatawag pero hindi, si Ford.

Sasagutin ko ba?

He's your friend, you need to talk to him, sabi ng isip ko.

Huminga ako ng malalim at sinagot ito.

"Salamat sa Diyos at sinagot mo, kanina pa ako nag-aalala sayo..." bungad niya.

Napakurap kurap ako, there's this wall between us already simula ng narinig ko ang mga sinabi ni Joao sa nararamdaman ni Ford sa akin.

Baka naman kasi hindi totoo yun? San nga hindi.

"Huy Amara, okay ka lang ba?" tanong niya.

"H-ha? Oo naman, sorry haha" sabi ko.

"Sorry kagabi ah, napuno lang ako kay Joao..." siningit niya.

"Nothing to worry about, it's just that..." hindi ko matapos tapos ang sinasabi ko sa kakaisip sa mga ganap kagabi.

Parang ang daming nangyari kagabi, parang ang bilis talaga ng oras.

"Alam ko, pasensya na kay Joao ah, nalasing kagabi kung anu-ano pinagsasabi..." humina ang boses niya.

Don't opem this topic, I'm not ready to talk about it.

"Hmmm..." sabi ko lang. I don't know what to say.

Naluluha nanaman ako.

Ang sakit mong mahalin, Joao.

Sorbang sakit, umpisa palang.

Pumikit ako at hinayaang bumuhos ang luha ko.

"I need to go..." sabi ko sabay baba ng linya, di ko na pinakinggan ang sagot niya.

Humiga ako sa kama at unti-unting bumuhos ang luha ko.

Hindi madaling mahalin ka, Joao, madami pang pag-subok na kailangang harapin

Ganyan naman diba?

Para kang bituin na mahirap abutin.

Kung ita-take ko man ang risk, sana sulit lahat ng paghihirap natin sa huli.

I tried to scroll through Twitter, nagbabakasakaling may update kay Joao, kung kamusta siya.

Ni-search ko ang username niya at nakita ko ang mga recent tweets niya.

"This Feeling's Taking Control Of Me."

Kumunot ang noo ko, lyrics ng kanta?

Agad kong sinearch ang mga lyrics at agad ko itong ni-play.

Same Ground //  Joao Constancia [ON GOING]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu