Chapter Nineteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Mabuti na lang ay may mga dumating na staff at bodyguard ko para paalisin ito.  "Okay lang..." Tsaka ako nagpaalam na aalis na. Alam ni Kaye na kay Allain pa rin ako sasabay kaya tumungo na ako sa kung saan nakapark ang sasakyan niya.

Bumukas ang pinto nito. Sumakay din agad ako. Hindi siya umiimik habang nagmamaneho. I think he's mad pero pinipigilan niya ang kanyang sarili.

Hindi rin ako umimik. Kung hindi niya ako kakausapin ay okay lang. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako na buhat-buhat ako ni Allain sa kanyang mga braso. "Did I wake you up?" Umiling ako at tsaka ipinulupot ang braso ko sa batok niya.

Dahan-dahan niya akong nilapag sa king sized bed niya. Naramdaman ko ang malambot na kama sa likuran ko. Hindi ko na nakayanan pa ang pagod kaya pinikit ko ang aking mga mata.

Nagising ako sa sinag ng araw na nagmula sa may balkonahe. The large curtains were perfectly set aside.

"Good morning. Breakfast in bed? Mamaya pa namang 12 noon ang magazine interview mo." Napaawang ang bibig ko dahil sa alam na alam niya talaga ang schedule ko na maski ako ay hindi ko matandaan.

"Thank you. I'll just brush my teeth." Normal kong sabi sa kanya. At tsaka ako nagtungo sa banyo. Tiningnan ko ang reflection ko sa salamin. I'm blushing!

Lumabas agad ako matapos kong mag- toothbrush. Tanging ang breakfast lang ang nasa kama ngayon. Wala na si Allain.

Inubos ko ang hinandang breakfast para sa akin. Bumaba ako at sumalubong sa akin ang dalawang bagong kasambahay na tila gulat na gulat sa presensiya ko. "Ma'am Cline!"

"Cline! Whaaaaaa!" Napatili pa ang isang mukhang kasing edad ko lang. Dahilan kung bakit tatlong bodyguards ang biglaang pumasok sa mansion at si Allain ay lumabas mula sa kanyang opisina, mga humahangos.

"Shit! What happened?" Dali-daling tumakbo payakap sa akin si Allain. Sa gulat ko ay natulala lang ako. "Hey what happened?" He kissed the top of my head.

Hindi ako makapagsalita. Cline! Speak up! Ang sarap sa pakiramdam na ramdam na ramdam ko yung pag-aalala niya sa akin ngayon.

"Sir Allain...sorry po. Na-excite lang po ako kasi idol ko po talaga si Ma'am Cline...may mga posters pa nga po akong dala..." Nahihiyang sabi ng bagong kasambahay. Tumungo ito habang nilalaro ang kanyang mga daliri.

"Sally, you almost gave me a heart attack." Sally pala ang pangalan nito. Mukhang natakot naman si Sally dahil sa pagkakaseryoso ni Allain.

"It's okay. Give me your posters later. I'll have it signed." Ngumiti ako sa kanya.

"Pasensiya na po Sir Allain, Ma'am Cline. Idol po talaga kayo ng anak ko." Ani ng sa tingin ko'y nanay niya.

"Wag na sanang mauulit sa susunod Manang Lorie." Tumango si Manang Lorie. "Let's go to my office." Tumango ako kay Allain, kinuha niya ang kamay ko para mahawakan.

"Mamaya na lang Sally, Manang Lorie." Ngumiti ako sa kanila at ganoon din sila. Huminging paumanhin na rin ako sa mga seryosong bodyguard ni Allain.

"Is Ford still working for you?" Napakunot ang noo niya sa naging tanong ko.

"Yes. Why'd you ask?" Nagkibit ako ng balikat. "Don't make me jealous please..." Nagulat ako sa lumanay ng pagkakasabi niya. "If you're making me jealous. Nagseselos ako, sobra-sobra. Kay Ivan pa lang." Namilog ang mga mata ko.

"Damn that kiss!" Mariin niyang sabi na sa tingin ko'y para lamang sa sarili niya. "That wasn't in the script." Ngumuso siya dahilan kung bakit hindi ko napigilan ang sarili ko para hilahin siya palapit sa akin.

"You're still my first...kiss...all of my firsts..." Even my first heartbreak. Mahina kong sabi sa kanya.

"What did you say?" Umiling ako. Habang naglalaro ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Don't make me say it again!" Naiirita kong sabi sa kanya tsaka ko siya tinalikuran. Ilang hakbang palang ang nagagawa ko paalis nang bigla niya akong higitan.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I saw how his Adam's apple moved. He swallowed hard. "Ayoko talagang nagseselos. Nauubos ang pasensiya ko Cline...pero kaya kong magpasensiya kasi alam ko..." Mariin siyang pumikit. "Wala pa rin akong karapatan sayo." Hindi ako nag-react sa sinabi niya. Nagkipagsukatan lamang ako ng tingin sa kanya.

Move Allain.

"I am so in love with you..." Nagtiim-bagang siya. I don't know how I managed just having a straight face right now. Perhaps because I'm in showbiz. Yes I love Allain, but the moment I step in this house, it feels like I'm acting...I'm acting so hard not to hug him or say I love you too.

"Okay na?" Nakita ko na naman ang sakit na dumaan sa mga mata niya.

"It's not okay." He deeply sighed and the next thing I knew he's already kissing me. It was a sweet kiss and I'm drowning, I'll lose this...just don't.... Don't you ever kiss him back Cline!

So I kissed him back. I snaked my arms around his nape. Mas hinapit niya pa ako papalapit sa kanya, and just that...I get back to my senses... Lumayo ako sa kanya at napahawak ako sa labi ko. "Uh...uhmm...I'll get ready for my interview." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot tsaka ako dumiretso paakyat sa kwarto.

"Why kiss him back?!" Pangaral ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin dito sa loob ng banyo. Muli akong napahawak sa labi ko.


"You what??? You kissed him back?" Pahisteryang sabi sa akin ni Gale. Maaga akong umalis ng mansion at nagpasundo ako sa driver ko, kaya dito sa unit ni Gale ako pumunta. May klase na siya mamayang hapon kay sinamantala ko na habang may free time pa siya.

"Oo na. You don't have to point it out." Ngumuso ako.

"Girl ang pula ng labi mo." Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumisi lamang siya. "Oh sige na, hindi kita tinataboy pero 11 AM na at may magazine interview ka pa diba?" Ngumuso lang ulit ako.

"Can't I just stay here?" Umiling siya.

"Gusto mong magkaroon ng bashers? The famous Cline Servida, made the interviewer wait for 10 hours." Tsaka siya humagalpak sa tawa.

"Ang OA mo! Ito na nga. Ang lapit-lapit lang naman noon dito. Just a 30-minute drive." Tinawanan niya lang ako.

Nailing na lamang ako....

"Have you ever fall in love?" The last question I'm supposed to answer for this magazine interview.

Ngumiti ako.

"I have already fall in love. I will stay in love." I honestly answered. Pansin kong nagbigay ng komento ang ilan. Some thought it was Ivan. But since the interviewer didn't asked who it was, I just remained silent.

Nang matapos ang interview ay may buffet na naman at kung ano-ano pa. The magazine owner smiled and winked at me. Of course she knows it's Allain.

Calling Hubby...

Napatitig ako sa pangalan ni Allain. Namula ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko pa pala ito napapalitan.

Agad-agad kong pinalitan ang pangalan niya at baka may makakita pa.

Calling Allain...

He answered the call immediately. "I missed one call from you? Why love?" Bungad niya sa akin.

"What's with the buffet again?" Nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya.

"Just thanking them for taking care of you while you're having the interview." I heard someone called him Mr. Del Valle from the other line.

"Just don't do this again. I'm fine without the buffet and other stuff. Okay?" Pinarinig ko sa kanya ang medyo iritado kong boses.

"So when's the magazine out in the market?" He laughed boyishly. "I'm gonna buy them all." Nalaglag na lang ang panga ko dahil sa sinabi niya.

"Ewan ko sayo!" Nanggigigil na sabi ko.

"I love you..." So I ended the call. And I just found myself smiling. And I don't think it's good.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon