Chapter 37

48.3K 1.7K 95
                                    

Sweet's POV

Nagising ako nang maramdaman na may nakatitig sa akin. I slowly opened my eyes and Lennox's perfect face welcomed me. Nakaunan ako sa braso niya at marahan niyang hinahaplos ang buhok ko. He smiled when our eyes met saka lumapit para halikan ako.

Uminit ang pisngi ko at niyakap siya nang mahigpit. He kissed me on my forehead and tightened his hug to me.

"How's your sleep, my Sweet?" His voice was husky as usual. Napangiti ako at sinubsob ang mukha sa dibdib niya.

"Maayos naman. Thank you for making me feel better," I murmured.

Matagal lamang kami magkayakap sa isa't-isa hanggang sa tumayo na kami para mag asikaso. Sinamahan ako ni Lennox papunta sa kakahuyan na hindi kalayuan sa pinagtulugan namin. Sumalubong sa akin ang isang napakalinis na sapa. Yumuko ako at nakita ang sariling repleksyon sa tubig.

Napangiti ako ngunit hindi nagtagal dahil biglang ibang mukha ang nakita ko. May kung anong init ang gumapang sa loob ko at sigurado ako na si Aster ang nakita ko.

Napakurap ako at pinakiramdaman ang sarili. Paano kung magtagumpay siya sa pagsakop sa katawan ko? I'll be lost at siya, makakasama na niya si Lennox. Mariin akong napapikit at niyakap ang sarili. Hanggang kaya ko, pipigilan ko siya. I don't know how, but still, I will not let that happen.

"C'mon, my Sweet. Take a bath now," saad ni Lennox mula sa likod ko. Uminit ang aking pisngi at tinignan siya.

"Maliligo ako... dito?" tanong ko.

He grinned and nodded. Napalunok ako at pinasadahan ng tingin ang napakalinis na sapa.

"E, ikaw? Bakit ka pa narito?" tanong ko.

Ngumuso siya at mapungay ang mata na tumitig sa akin. Tahimik akong suminghap at hinintay siyang sumagot.

"Babantayan ka," saad niya.

Hinampas ko siya sa balikat. His lips curved into small smile.

"Iwan mo na ako!" saad ko. "Ikaw na ang nagsabi na maliligo ako, 'di ba? Ibig sabihin, I'm gonna naked!" turan ko.

Humalukipkip siya at bahagyang tinagilid ang ulo at tila naghahamon na tumingin sa akin. He even let out a boyish grin and I can't help but to notice how hot and gorgeous he is.

"My Sweet, I already saw that perfect body of yours. I even kissed every inch of that. Ano pa ba ang itatago mo sa 'kin?" saad niya. Iningusan ko siya at tinalikuran.

"I'll watch you," nakaloloko niyang sinabi.

Napasimangot ako at sinamaan siya ng tingin. Humalakhak siya at nanatili sa pwesto. Wala akong nagawa kung hindi hubarin ang pang-itaas habang nakatalikod sa kaniya.

"My Sweet, wash your underwear first, I'll dry it. And your clothes, too."

Uminit na naman ang pisngi ko. Inilapag ko sa tabi ang nahubad na damit at sinulyapan siya.

He's seriously staring at me at pinaglalaruan ang kaniyang ibabang labi. Tinaasan niya ako ng kilay nang makita na nakatitig ako sa kaniya. I rolled my eyes at sinunod ang pants na suot. I can feel his hot stare from the back.

Kasunod noon ay ang paghawi niya sa buhok ko at nilagay sa harap ng aking balikat. Humaplos nang magaan ang daliri niya sa likod ko. Napakurap ako at binasa ang labi.

"Ano'ng ginagawa mo diyan?" I asked anticipating for his touch.

His cold breath fanned my back that sent shivers down my spine. Tumindig ang balahibo ko kaya agad kong hinaplos ang sariling braso.

Dark LoveWhere stories live. Discover now