Chapter 27

58K 2.1K 229
                                    


Sweet's POV

Matagal akong nagkulong sa kwarto. Nag-iisip at inalala lahat ng nangyari. At inaalam kung ano nga ba ang tamang gawin. But sometimes, kahit alam mo ang tamang gawin at kung against 'yon sa gusto mo hindi rin naman 'yun ang masusunod.

Ilang beses ko rin narinig ang katok niya sa pinto na parang sinisigurado na nasa loob pa ako. Napapailing na lang ako at nilibot ang tingin sa kwarto. Para namang makakalabas ako sa mga bintana, eh, may grills naman.

Kung tutuusin, hindi ko na kailangan mag-isip kung aalis ba ako o hindi. Dahil alam ko na ang sagot, maisip ko pa lang siya. Dahil kahit anong gawin niya, mahal na mahal ko pa rin siya. At sa tingin ko ay nadagdagan pa 'yon nang malaman ko na iisa lang siya at ang lalaking nakamaskara.

Maybe I'm just hurt because he fooled me. Pakiramdam ko ay niloko niya ako, pinaglaruan at tinraydor. Hindi naman ako masasaktan kung hindi ko siya mahal. Kaya nasasaktan ang isang tao kapag niloko o pinaglaruan, ay dahil mahal niya at pinagkakatiwalaan ang may gawa no'n.

Like what happened to us. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang hindi sabihin ang totoo. I really accept everything about him. Alam kong hindi siya normal, lalo na sa katauhan ng nakamaskara na 'yon. I saw how his eyes turned red. Kung gaano siya kalakas na malayo sa lakas ng mga tao. He's not a human. At tanggap ko 'yon. Kaya kahit sinabi niya agad, hindi naman ako matatakot. Of course I'll get shock, pero hindi ako lalayo.

I sighed and closed my eyes tightly. Maybe I'll hear him out first. May dahilan ang lahat kaya hindi niya sinabi agad. Papakinggan ko siya at kahit ano pa man ang sabihin niya, I'll stay. I'll stay by his side kahit anong mangyari.

Tumayo ako at tinuyo ang basang buhok. Katatapos ko lang maligo. Inayos ko ang sarili bago lumabas ng kwarto. It's already 2 in the afternoon.

Naglakad ako at natagpuan siya sa may sala. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo. Matagal siyang tumitig sa 'kin bago dahan-dahang naglakad palapit sa 'kin. Tila tinatantiya niya ang reaksyon ko and when I didn't do any violent reaction ay nilakihan niya ang hakbang at kinulong ako sa bisig niya.

I sighed in contentment and rested my head on his chest. His hug tightened and I felt him kissed me on my head. Hinawi pa niya ang buhok ko at yumuko para sumubsob sa leeg ko. Dahan-dahan kong sinuklay ang makapal at malambot niyang buhok at huminga nang malalim.

Lalong natunaw ang tampo at pagdududa ko sa haplos pa lang niya. Presensya pa lang niya ay tinutupok ang lahat ng negatibong pakiramdam sa puso ko.

Mapungay ang kaniyang mata nang tumitig sa akin. His big hands cupped my face and stared at me intently.

"Thank you, my Sweet. Thank you for not leaving me.." he murmured.

Kitang-kita ang halong saya, lungkot at pagod sa kaniyang mga mata. And it's painful to see that.

I smiled a bit and nodded. Hinalikan ko ang tungki ng kaniyang ilong at yumakap sa leeg niya. Naramdaman ko ang paglutang sa ere kaya hinigpitan ko ang kapit habang naglalakad siya patungo sa kusina. Sinubsob ko ang mukha sa kaniyang leeg habang karga niya ako.

I heard the sound of the chair being pulled out. Akala ko ay ibaba na niya ako but instead he sat while I'm on his lap. Nagsalubong ang mata namin kaya pilit akong umalis but he shook his head and tightened his grip on me.

"Ininit ko ang mga pagkain.." he murmured.

Nakatitig lamang ako sa kaniya habang nagsasandok siya ng pagkain sa plato.

Tinagilid niya ako nang kaunti saka sinimulan akong pakainin. Kapag katapos kong sumubo ng pagkain ay siya naman ang kakain. He even helped me to drink my water. Para akong bata na masyado niyang ini-spoil.

Dark LoveWhere stories live. Discover now