Chapter 29

48.3K 2K 383
                                    


Sweet's POV

Sobrang tahimik ng paligid habang kumakain kami. Sa bawat subo na ginagawa ko ay sumusulyap ako kay Lennox. He's just serious and cold while eating silently. Suminghap ako at binaba ang mga hawak na kubyertos.

"Lennox..."

Nakatitig lamang ako sa kaniya. Sandali siyang tumigil ngunit nagpatuloy sa pagkain. Pinigil ko na mapaiyak.

Since yesterday, simula no'ng makita niya ang kambal at pati na rin ang kung ano sa batok ko, he became distant and cold. Kahit hindi niya ipahalata, nararamdaman ko. Iyong hindi pa lang niya pagyakap sa akin mula sa likod habang naghuhugas ako na lagi naman niyang ginagawa. Iyong pag-iwas niya ng tingin at hindi ako tinitignan, na dati ay halos matunaw na ako sa titig niya. Hindi ko alam kung bakit, pero dahil ba 'yon sa nakita niya na tinatawag niyang witch's seal?

"May problema ba tayo?" Halos magmakaawa na ang boses ko para mapansin lang niya ako.

Hindi pa rin siya umimik kaya hinawakan ko ang kamay niya. I felt him stiffened saka tinanggal ang hawak ko sa kaniya.

And it hurts. I felt the familiar sting on my eyes. Ngunit pinigil ko ang maiyak.

"Lennox naman..." bulong ko.

Unti-unti siyang nag-angat ng tingin. Malamig ang kaniyang tingin ngunit nang magsalubong ang aming mata ay sandali iyon na lumambot— or is it just my imagination?

"What is it, Sweet?" Napalunok ako nang sumagot siya. Where is his endearment, the 'My Sweet', huh?

"Galit ka ba?" tanong ko.

He just shook his head and resumed eating.

"Lennox nama—"

"I'm eating, Sweet. And if it's okay, please shut up," tugon niya.

Nanigas ako at tuluyang napaluha.

Tahimik akong humikbi at pinigilan na gumawa ng ingay. He doesn't want me to make any noises. Dahan-dahan akong tumayo saka pinigil at iniwasan na mabangga ang upuan at lamesa kung posible pa 'yon 'wag lang makagawa ng ingay.

Tahimik akong umalis at tumungo sa kwarto. Pagkasara na pagkasara ko, I threw myself on my bed and buried my face on the pillow. I cried hard with my heart.

Alam mo 'yong wala ka naman ginawang masama pero hindi ka pinapansin? As far as I remember, okay lang naman kami kung hindi lang niya nakita iyon. Bakit, ano bang meron sa batok ko? Bakit meron akong witch's seal? Ano ako, witch? But that's impossible dahil I'm one-hundred percent sure that I'm a human. Lumaki ako na normal lang ang lahat until I reached this year na puro kababalaghan ang nangyari.

At kung ano man ang meron dito, bakit dinadamay ako ni Lennox? What happened to him? Ginusto ko ba 'to? Hindi naman. Hindi ko ginawa o sinadya ito. Kaya bakit ganito ang treatment niya sa 'kin?

Matapos maglabas ng sama nang loob ay nag-ayos ako at umalis nang mansion. Mabuti na lang at hindi ko siya nakita kaya hindi ako napaiyak. Kapag makita ko kasi siya siguradong babalatay na naman ang sakit. Lalo na kapag nakita ko ang malamig niyang titig at walang emosyon na mata. Kapag narinig ko ang malamig niyang tinig na dapat ay may lambing.

Ano na? Ayaw na ba niya sa 'kin dahil meron akong witch's seal shit na 'to? Sabihin naman niya para kapag kailangan ko na umalis gagawin ko. Siguro magmamakaawa muna ako sa kaniya pero kung hindi na talaga, e 'di aalis na ako. Hindi pwede na ipilit ko ang sarili ko kahit kanino. Buong buhay ko na naghahanap ako ng tunay na pagmamahal dahil wala ako no'n pero hindi ko hahayaan na ipagpilitan ko ang sarili.

Kasi ang tunay na pagmamahal hindi pilit. Hindi iyong labas sa ilong kapag sinabi. Dapat mahal mo dahil mahal mo. Iyon lang. Dahil iyon ang nararamdaman hindi dahil sa napipilitan lang. At kung iyong mga pinagsamahan namin ay mawawala na, wala akong magagawa. Aalagaan ko na lang 'yon sa utak ko. I'll treasure it cause I love him damn much. At kung ganito lang pala kababaw ang pagmamahal niya, dahil lang sa meron ako at lumitaw bigla iyon, huwag na lang.

Dark LoveWhere stories live. Discover now