Chapter 25

53.4K 2.2K 351
                                    

Sweet's POV

Naalimpungatan ako nang may dumadampi sa akin na malamig na bagay. I gasped for air and opened my eyes. Sumalubong sa akin ang mukha ni Lennox na seryoso sa ginagawang pagdampi sa aking ng cold compress.

Our eyes met and automatically, fear dominated my system. Malamig pa rin ang kaniyang mga mukha ngunit hindi na 'yon gano'n kadilim katulad kanina.

"Stay still," saad niya.

Inangat ko ang ulo nang kaunti at sinulyapan ang katawan. Nakita ko ang maraming pasa at kiss marks.

"Lennox..." I called him. Mahina lang ang aking boses at paos. Natigil siya sa ginagawa at umangat ang tingin sa akin.

Parang gusto kong umiyak dahil sa kabila ng lahat na nangyari, tumitibok pa rin ang puso ko para sa kaniya. Parang baliw na baliw pa rin ako sa kaniya. Ni hindi ko maramdaman ang galit na dapat meron ako para sa kaniya dahil sa ginawa niya. Nababaliw na nga ako.

Tumiim ang kaniyang bagang.

"Don't worry, when you're already okay, you can leave me. You can leave my mansion and I wouldn't stop you," matigas niyang utas.

Napaawang ang labi ko at napatitig sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kanina ay parang baliw siya na gusto akong angkinin at sarilihin tapos ngayon...

Inalalayan niya ako para suotin ang damit. Siya ang nagsuot sa akin ng bra, panty pati ng asul na dress.

Sumulyap ako sa may teresa. Bahagyang nakahawi ang malaking kurtina at nakita ko na gabi na.

Iniwan niya ako. Dahan-dahan akong umupo at napangiwi pa ako dahil sa sakit. My wrist have marks na alam kong dahil sa pagtali niya kanina. May ilan rin akong pasa at sa tingin ko ay pati sa leeg ko ay marami since Lennox marked my body with his harsh kisses.

Pinalis ko ang luha at mariin na napapikit. Bakit ganito ako? Dapat sa ngayon ay tumatakas na ako, nagwawala at sinusumbatan siya! But now, I'm still calm and comfortable beside him. I'm still his...

This is bad. This is so bad. Hindi dapat ganito. Mali ang nararamdaman ko. Dapat galit na galit ako at isinusumpa na siya. He almost raped me. Mahihigpit ang hawak niya sa akin at marahas ang kaniyang mga paraan habang wala sa sarili. Pero bakit hindi ako makaramdam ng galit sa puso ko?

Bumukas ang pinto at nakita ko siya na may dalang tray. Inilapag niya iyon saka umupo sa harap ko. Walang imik niyang inumang ang kutsara na may kanin at sabaw. He fed me silently. Nakatitig lang ako sa kaniya but he didn't even glance on me.

And my heart hurts. Why he's so cold now? Galit pa rin ba siya sa nagawa ko kanina? Ang tanga pakinggan ng tanong ko na 'yan pero ayoko talaga siyang magalit. Nababaliw na ako.

"L-lenoxx... I'm so—"

"Stop," he uttered. Natigilan ako at tumitig sa kaniya.

His eyes were dark and blank. But I saw a glimpse of something on it. Parang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya magawa. Bakit niya pinipigilan ang sarili? Gusto ba niya na mag-sorry sa 'kin?

Then say sorry... pagkatapos tanga na naman ako.

Natapos iyon na hindi pa rin siya umimik. Pinahiga lang niya ako at tuluyan na siyang umalis. I tried to sleep ngunit hindi ko magawa. Ni hindi man lang siya bumalik pagkatapos.

Saan kaya siya natulog?

Kaya paggising ko no'n ay mugto ang mata ko. Halo ng pag-iyak at puyat. Masakit din ang ulo ko.

Bumaba ako at hinanap siya. Ngunit hindi ko siya nakita. I sighed and went to my room. Naligo ako at sinuot ang nakahanda na damit sa kama.

Matapos mag-ayos ay kumunot ang noo ko nang may mapansin. Hindi ko makita ang mga bag ko! I looked at the closet ngunit wala.

Dark LoveWhere stories live. Discover now