Chapter 6

64.5K 2.5K 183
                                    


Sweet's POV

Napahawak ako sa ulo nang maramdaman ang pagkirot nito. Bahagya kong binaba ang kumot na tumatabing sa katawan ko saka umupo at sumandal sa headboard. Bahagya nang sumisilip ang sinag ng araw sa bintana mula sa labas. I sighed and closed my eyes. And in a cue, sunod sunod na bumalik ang nangyari kagabi or should I say kaninang madaling araw.

Our misson to get a strong evidence that vampires really do exist. The suicide misson that almost led us to our death. Kung hindi lamang dumating ang estranghero na iyon. Napangiti ako nang maalala ang mukha niya na natatakpan ng maskara. I remembered how he saved me for the third time. Kapag nangangailangan ako, kapag nasa bingit ng kamatayan bigla siyang dumadating para iligtas ako.

Muli akong napa-buntong hininga. Hindi ako dapat aasa na lagi siyang nandiyan para iligtas ako. Dapat na akong mag-ingat. Dahil hindi sa bawat oras ay darating siya. But I suddenly remember what he said...

'You don't need to know. All you need to know that I will always protect you.'

Lagi daw niya akong poprotektahan. Bakit? Ano bang meron sa akin? Anong kailangan niya? Kaano-ano ko siya para iligtas niya ako mula sa panganib?

And by his feature when he got mad... His gray eyes turned red, his fangs showed up. Alam kong bampira siya. Pero bakit siya papatay ng kapwa niya para sa akin?

I suddenly remembered Sir Pablo! Kamusta na kaya siya? Last thing I remember, marami siyang galos na nakuha mula sa bampira na na-encounter. But he's amazing, nakapatay siya ng bampira! Nakakuha kaya siya ng ebidensya? Siguro naman hinatid siya ng estranghero?

Nabigla ako nang pumitik sa harap ko si Irene. Kunot ang noo niya maya-maya ay ngumiti.

"Ang aga-aga, ang lalim na ng iniisip mo, Sweet," saad niya. Pilit akong ngumiti.

"Wala naman 'to. May naalala lang." Tumango siya saka naglakad papunta sa pinto. At muling lumingon sa akin.

"By the way, may kasama ka bang lalaki kagabi?" Tanong niya. Nanigas naman ako at napatingin sa kan'ya.

"W-wala. Tsaka hindi naman ako lumabas." Pagsisinungaling ko. Muli siyang tumango.

"Maybe I'm just dreaming that time. O siya, kakain na. Mag-asikaso na tayo baka malate pa," saad niya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Gusto ko pa sana siya tanungin pero hindi ko nagawa dahil nag-iisip siya na baka totoo nga ang hinala niya.

Ibig sabihin, pumasok siya rito sa kwarto namin? Oh, stupid me. Malamang! Alangan naglakad ako ng tulog. Naka-tulog ako sa sasakyan kaya binuhat niya ako malamang para mapunta sa kama.

Bumaba ang tingin ko sa damit ko. Naka-t-shirt na ako at pajama. Ang naaalala ko sinuotan niya ako ng jacket niya dahil napunit ang damit ko? Ibig sabihin, pinalitan niya ako ng damit?

Unti-unting nag-init ang pisngi ko sa reyalisasyon. He saw me, almost naked. Kasi kahit yung jeans pinalitan niya. Damn, so embarrassing!

Mabilis akong tumayo at nag-asikaso na. Kailangan kong malibang ang isip para hindi muna maalala ang mga nangyari. Mabilis naming tinapos ang pag-kain at sabay sabay na umalis papunta sa university.

Pagpasok ko ay busy ang lahat ng classmates ko. Gumagawa ng mga assignments na hindi nila nagawa. Napa-iling na lang ako. Mabuti na lang tinapos ko na 'yung akin bago pa ako sumabak sa misyon namin.

Gusto ko rin pala maka-usap si Sir Pablo regarding sa nangyari. Kung may nakuha na siyang ebidensya. Nabigla ako nang inikot ni Aaron ang upuan sa bandang harap ko, paharap sa akin. Malaki ang ngiti niya ng bumaling sa akin.

"Good morning, Sweet!" bati niya. Ang aga-aga, hyper ah!

"Good morning, Aaron," bati ko pabalik.

Dark LoveWhere stories live. Discover now