Chapter 35

42.8K 2K 428
                                    

Sweet's POV

"Sa tingin niyo, makakatakas kayo?"

Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Daniella at dalawang ka-uri nila sa likod. Sinapo ko ang sugat ni Rage na ngayon ay may umaalpas na dugo. I bit my lips and stop myself from crying. Masyadong malalim ang sugat niya.

"Hush now, Sweet. I'm okay. Don't worry." He smiled again, a sweet and genuine smile. Para na naman akong natutunaw pero pinigil ko 'yon at pinatatag ang sarili.

"We need to get out of here," he murmured. Inalalayan ko siyang tumayo. Hinarap namin ang mga gustong pumigil sa pagtakas namin.

"Let us go, lalo na si Sweet. Hayaan niyo na siya. May sarili siyang buhay. You guys are witches, baka kaya niyo naman gawin na tanggalin si Aster sa kaniya at hayaan niyo na si Sweet," pakiusap ni Rage.

Nakita kong natigilan ang mga witch at titig na titig kay Rage. I get it, there's really something on Rage na parang mapapatitig ka sa kaniya.

Siguro dahil sa magaan niyang aura at perpektong mukha.

"N-no. Hindi basta-basta 'yon, ginoo. Kung sino ang pinili ni Aster ay siya na. Si Aster ang gumawa ng paraan, siya ang bumigkas ng mga salita para maisakatuparan ito at hindi na namin mababago ang lahat. Kaya ang dapat mong gawin, hayaan mo na ang binibini na iyan dito at lumisan ka na," saad ng babae na nasa gilid ni Daniella.

Rage shook his head.

"No, I will not let you."

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Sumulyap siya sa akin at tumango. Hindi ko naman maintindihan kung ano ang nais niyang iparating.

But after few seconds, nakita ko na lamang ang sarili na tumatakbo habang hawak ang kamay ko ni Rage. He's running fastly. Hindi kasing bilis ni Lennox pero mabilis pa rin kumpara sa mga tao at ibang nilalang. Mabuti na lang at hindi ako nadadapa at nadadala niya ako sa kilos niya. Halos hindi ko na makita ang mga nadadaanan namin dahil parang hangin lamang kaming gumagalaw.

"Nakakainis!" Narinig kong saad niya at bigla akong binuhat na parang prinsesa.

"Maaabutan nila tayo kapag hindi kita binuhat, ang bagal mo, eh," nakangiti niyang saad.

Nawala ang lahat ng kaba at pag-aaalala sa akin nang makita muli ang ngiti niya.

Ipinikit ko ang mata at sinandal ang ulo sa dibdib niya. Napamulat ako nang muntik siyang madapa at mahinang dumaing.

"R-rage?" My voice shook a little. He looked at me and smiled.

"I— I am okay," bulong niya.

Narinig ko ang mga boses ng mga witch na hinahabol kami. Mariin akong napapikit at kumapit nang mahigpit kay Rage.

"Ah!" Muling dumaing si Rage kaya lalo akong kinabahan. Napaluhod siya ngunit hindi niya hinayaan na mahulog ako. Mahigpit ang kapit niya sa akin. Mabilis ang tibok ng puso ko sa halo-halong emosyon.

Namumutla na si Rage at namamawis. Napaiyak ako at hinawakan ang mukha niya. Pilit siyang ngumiti at muling tumayo para ipagpatuloy ang pagtakbo.

"Rage... ibaba mo na ako," saad ko.

Nanginginig na ang hawak niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Pero kitang-kita ko na nanghihina na siya.

"No. Huwag ka na makulit, angel. Ililigtas kita kahit anong mangyari. Gusto kong maging masaya ka pati siya," saad niya.

Lalo akong napaiyak at sinubsob ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Hindi ko alam kung nasusundan pa rin kami. Pero tumigil kami sa likod nang malaking bato. Marahan niya akong nilapag at hinalikan sa noo.

Dark LoveWhere stories live. Discover now