Chapter 21

51.3K 2.4K 151
                                    

Sweet's POV

Nanlalamig ako at hindi alam ang dapat gawin. Sakal ako ng lalaki gamit ang braso niya at may nakatutok na baril sa aking sentido. Everyone who is inside the shop was frightened at nakatingin sa gawi ko. Nagkalat naman ang mga kasama ng lalaki na may hawak sa akin at nagsimulang makialam sa paligid.

The staffs were also on hold. Tinalian sila at tinakpan ang bibig. Iilan lang naman ang mga customer at lahat sila ay naka-upo sa tabi at hindi alam ang gagawin kaya nananatiling tahimik. Samantalang ako, hawak at nakatayo sa gitna.

Humawi ang kurtina at lumabas ang isang babae na isa sa saleslady— siya rin ang kausap ni Sir kanina. Sunod na lumabas si Sir and he's even holding a brochure. Nanlaki ang mata ng babae at napaatras nang makita ang nangyari. Nakasalubong ko naman ang tingin ni Sir. His serious face turned blank habang nakatingin sa akin. Napalunok ako at nanatili sa kaniyang nakatingin. Because even I'm just only looking at him, nakakatulong siya para mabawasan ang takot ko.

Malamig ang pawis ko, nanginginig ang katawan at napakabilis ng tibok ng puso ko but somehow, I became calm even a little when I saw him.

Lalapit sana ang babae sa may desk at tila may pipindutin ngunit naunahan siya ng isa sa mga holdaper. May nakatutok na baril na rin kay Sir Lennox, dalawang lalaki ang nakabantay sa kaniya saka siya hinila patungo sa tabi. His face remain stoic habang tinatalian siya at buong pwersa na pina-upo. But his eyes never left mine.

Nagtubig ang aking mata nang maramdaman ang malamig na dulo ng baril sa aking balat. Nakita kong tinulak ng isa sa mga holdaper ang babae at may ibinigay na malaking plastic bag. Nanginginig naman na kinuha ng babae ang lahat ng pera at nilagay sa plastic.

"Yan pa, lahat mo ilagay!"

Nagsimula na rin sa pagkuha ng mga alahas ang iba pang mga lalaki. I can see their wide smirk and victory on their eyes. Napaubo ako nang higpitan pa ng lalaki ang sakal sa akin.

"Bilisan niyo na 'yan! Ang babagal niyo mga ungas!" sigaw ng may hawak sa akin.

Habang nagsasalita siya ay lalong humihigpit at halos hindi na ako makahinga.

"Please... let me go," I begged. I tried to gasp for air. Napaluha ako at tuluyang umiyak dahil hindi na ako makahinga. Halo-halo pa ang nararamdaman ko.

"Let her go..." malamig na utos ni Sir. Napatingin ako sa kaniya.

Madilim ang kaniyang mukha. Tumayo siya kaya napasinghap ako dahil tinutukan siya ng dalawang lalaki ng baril.

"Wag kang kumilos..." saad ng isa at idinikit lalo ang baril. Halos nakatingala sila sa laki at tangkad ni Lennox.

"Bitawan mo siya. Maybe I'll forgive you for touching her, so now, I want you to let her go," matigas niyang utas.

His face was dangerous and dark. Mariin na magkalapat ang labi niya. Tila kinokontrol ang sarili.

Narinig ko ang pagbukas ng harang na bakal at nakita ko sa salamin na pinto na marami ng pulis sa labas. May ilan na ring nakiki-usyoso. Lalo namang humigpit ang pagsakal sa akin ng lalaki.

"Bakit kita susundin? Kapag binitawan ko siya, huhulihin na kami," saad ng nasa likod ko.

Humakbang palapit si Lennox. I saw how the two men in front of him turned pale nang tignan sila ni Sir. Napatili ako nang kalabitin ng isa ang baril at tumama sa braso ni Sir. Nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi habang nakatingin sa kanila.

Hindi siya natinag, ni hindi siya nagbigay ng kahit anong ekspresyon ngunit kitang-kita ko ang paglabas ng dugo sa kaniyang braso. I sobbed and look at him. Nagsalubong ang mata namin kaya agad akong umiling.

Dark LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon