Chapter 10

59.3K 2.4K 148
                                    

Sweet's POV

Kakaiba pa rin ang tingin na ipinupukol sa akin ni Irene pagpasok niya. Tipid siyang ngumiti at inilapag ang tray na naglalaman ng pagkain sa bedside na mini cabinet. Nakatitig siya sa akin at sa tuwing magsasalubong kami ng mata ay umiiwas siya.

"Kumain ka na, Sweet," saad niya. Ngumiti ako at tinitigan siya.

"Pasensya na sa abala, ha? At salamat sa pagasikaso mo sa akin, niyo ni Stella," saad ko. She smiled again.

"Ano ka ba, sino pang magtutulungan 'di ba? Tayo-tayo lang rin. Wag ka na mag-alala, ipapaabot ko na lang sa classmate mo yung excuse letter," aniya.

Napanguso ako.

"Kaya ko naman pumasok eh.." marahan kong saad.

Nakapapanghinayang na 'di ako pumasok. At ang bawat araw ay mahalaga lalo na sa isang scholar na tulad ko. Bumuntong-hininga ako at tumingala sa kaniya.

"Kulit mo talaga! Ang taas ng lagnat mo kagabi, ngayon meron pa. Baka ano pang mangyari sa'yo. Alam mo namang..." Hindi niya tinuloy ang sasabihin. She's just staring at me knowingly. Tipid akong ngumiti at tumango na lamang.

"Sige... salamat."

Nagpaalam siya bago lumabas at alam kong tuluyan na silang umalis patungo ng University. Bumuntong hininga ako at muling binalingan ang tray na naglalaman ng pagkain.

I know Irene is curious. Ginugulo ang isipan niya nang kung ano na nakita niya sa batok ko kagabi. At kahit ako ay ganoon rin. Hindi ko alam kung ano 'yon, kung ano ang nangyari. Basta ang alam ko, napakasakit noon. Dumugo rin 'yon kagabi ngunit nang tignan na ni Irene ay wala ng sugat. Tanging mga hindi pamilyar na guhit na lamang ang natagpuan niya.

Kinakabahan ako. Natatakot. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa akin. Lalo na siguro kung wala akong alam ukol sa mga hindi pangkaraniwang nilalang. Tulad na lamang ng kambal. Sinugod pa ako ni Daniella kahapon kasama ang kaniyang kambal. Hindi kaya... sila ang may gawa nito sa akin? Kinapa ko ang batok at hinaplos ang balat doon. Wala naman akong maramdaman, parang normal lamang. Pero nang kuhanan ng larawan ni Irene, doon lang ako naniwala.

Sabi pa niya ay umiilaw iyon kagabi. And the twin... they said that they are half witch. Malakas ang posibilidad na may kinalaman sila rito.

Nagsimula na akong kumain. I need strength, kokomprontahin ko ang dalawang iyon. Hihintayin ko ang uwian at kakausapin sila since hindi basta-basta nakapapasok sa university kapag wala na sa oras ng pasukan. Papasok na rin ako sa trabaho. Kailangan kong kumita ng pera, hindi pa ako nakababayad ng hati ko sa upa sa may-ari. Any days from now, baka palayasin na ako rito.

Nilibang ko ang sarili sa pagpapapawis para mawala na ang lagnat ko. Hindi dapat ako magpatalo rito, wala pa naman akong inaasahan.

Dumating ang hapon, malapit na ang uwian. Nagbihis ako at umalis patungo sa university. Naghintay ako sa may waiting shed at sinusuluyapan ang bawat estudyanteng lumalabas. Nagtatago ako sa tuwing makakakita ng kaklase ko. Kapag nakita nila ako, baka magsumbong sila at sabihin na nag-iinarte lang ako kaya 'di pumasok. Iba pa naman ang ugali ng iba at pilit na hinihila pababa ang kapwa.

I glanced on my wrist watch at napagtantong ilang minuto na lamang at oras na ng trabaho. Iilan na lamang ang mga lumalabas na estudyante mula sa University, halos staffs na ngunit wala pa rin ang kambal.

I sighed. Maghihintay pa ako ng limang minuto...

Hinawi ko ang buhok at kinagat ang labi. Lumipas na ang pitong minuto wala pa rin sila. Baka naman hindi rin sila pumasok? Ayst!

Dali-dali akong pumara ng tricycle papunta sa trabaho. Baka ma-late pa ako ng ilang minuto. Ayoko ma-late para wala akong problema. Ayokong magkaroon ng atraso sa may-ari. Nakakahiya naman.

Dark LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu