Chapter 17

53.3K 2.2K 244
                                    

Sweet's POV

Naguguluhan ako sa sarili. Sa sariling emosyon, sariling isip at puso. Parang hindi ko na sila kontrol. It's like I'm not the owner. How can I be in love with two people? At paanong gusto ko rin si Rage. This is difficult.

Nahihirapan na ako. My emotions were uncontrollable. Para itong tubig sa loob ng isang balde na nag-uumapaw. Ang hirap pigilan. At kung dapat pigilan, kailangang patayin ang gripo o source ng tubig. And If I'll apply it to myself, what should I turn off then? Ang puso ko? That's even impossible.

Pumasok ako sa mansion at inilapag ang sling bag sa sofa. Naglakad ako patungo sa cupboard at kumuha ng baso. I poured it with cold water from the ref. Muli akong nagsalin at nilagok ang laman saka pinunasan ang ilang butil ng pawis sa aking noo.

Hinugasan ko ang nag-iisang baso na nagamit ko at nilagay sa cupboard bago tumingin sa gawi ng hapag. And smile slowly drawn on my face when I saw the top of it empty and clean. Ibig sabihin ay kumain na si Sir. At ibig sabihin din, hinugasan niya ang pinagkainan?

He should just leave that on the sink. It's my duty. Pero walang ibang laman ang sink, malinis ito.

I let out a sigh and walked out from the kitchen. Natigil ako nang tumambad si Sir sa aking harap. He is on his usual pose. His hands on his pockets and staring directly on my eyes. Matiim siyang nakatitig na tila pinag-aaralan ako. His eyes are piercing through my soul.

"Saan ka galing?" tanong ng baritono niyang boses. Natulala ako sa abo niyang mata.

"S-sa school po. Kinausap ko lang 'yong isa sa heads about sa pag-aaral ko," sagot ko.

His thick brows knotted.

"Then?" Tanong niya bago pinagkrus ang mga braso. Bumaba ng tingin ko roon. I saw them flexed.

"Papasok pa rin po ako. Y-yong sahod ko po kasi ay kaya namang suportahan 'yong tuition kahit paunti-unti."

Uminit ang pisngi ko at umiwas ng tingin. I saw from my peripheral view that he nodded.

"Okay," saad niya bago ako tinalikuran. I tilted my head sideward at pinanood ang pagkawala niya sa aking paningin.

Huminga ako nang malalim at sinuklay ang buhok. Naglakad ako patungo sa kwarto at nagbihis ng komportableng damit.

I'm now wondering, ano kaya ng trabaho ni Sir? Simula kasi kanina ay hindi pa siya umaalis ng mansion. But I'm sure it's something decent. Feeling ko nga babagay siya bilang CEO ng isang kompanya. He looks like a well-respected man. Halata rin na nanggaling siya sa makapangyarihan na pamilya. I'm also wondering, ano kaya ang apelyido niya?

Matapos magbihis ay nagpatuloy ako sa paglinis. Sinimulan ko na sa ikatlong palapag. Minsan ay napapasulyap ako sa kaniyang kwarto at hinihintay kung lalabas siya ngunit ilang beses din akong nabigo.

Dumating na lang ang ala-sais ay hindi siya nagpakita. I sighed at mabilis na tinapos ang ginawa. Matapos ay tumungo sa kusina para magsaing at magluto ng ulam.

I cooked a beef steak for dinner. Naghalf-bath muna ako bago muling bumalik sa kusina para ihanda ang hapag.

Napahawak ako sa tela ng aking bestida nang makita si Sir Lennox na nakupo sa puno na upuan. Nakalagay ang kaniyang magkasiklop na kamay sa ibabaw at diretso ang tingin sa kawalan. When he felt my presence, he looked up and stared at me. Nag-init ang pisngi ko nang pasadahan niya ako ng tingin. Kumurap-kurap ako at nagsimulang kumilos.

"Pasensya na po Sir... kung natagalan," saad ko at kumuha ng plato. Inilapag ko iyon sa kaniyang harap.

Sumandok din ako ng kanin sa isang bowl pati ang ulam sa bahagyang malalim na plato. Inilagay ko rin iyon sa hara0 niya kasama ang kutsara at tinidor.

Dark LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя