Chapter 14

52.6K 2.3K 119
                                    

Sweet's POV

Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari. Paggising ko sa umaga ay nasa sariling kama na ako. Muli akong napakurap at nilibot ang tingin sa kwarto. And it's real. I'm really on our room. Bumukas ang pinto at niluwa si Irene.

"Mukhang napagod ka sa trabaho mo. Malalim ang tulog mo," nakangiti nitong saad.

Kumunot ang noo ko. Mabigat pa rin ang pakiramdam ng katawan ko at pagod na pagod. And this is one of the evidences na totoo ang nangyari kagabi.

"B-bakit, anong oras na?" I asked her.

"One hour ka ng late. Ako naman, vacant kami ng two subjects kaya okay lang. I tried to wake you up earlier pero pagod na pagod ka. And.." Tinuro niya ang suot ko. "Hindi ka nakapagbihis," saad niya.

Nalukot ang mukha ko. I remember kung gaano ako kapawis last night because of cleaning the mansion.

"Labas ka na... kain na tayo." Tumango ako at pinanood siyang lumabas. Bumaba ang tingin ko sa wrist at nakita ang pasa doon. Wala na rin akong sugat.

The guy behind the mask... siya muli ang tumulong sa akin.

Tumayo ako at nagsimulang mag-asikaso. Kagabi, akala ko ay katapusan ko na. Kung hindi siya dumating, sigurado ako na wala na ako ngayon at tuyo na tuyo na. Wala ng dugo dahil sa mga bampira na iyon. But I'm lucky and I'm really thankful to him for saving me for the nth time. I really owe him big time. Nasapo ko ang dibdib nang pumintig ito nang mabilis. Just the mere imagination of him, my heart starts to beat like crazy. Tila kinikilala nito ang lalaking iyon at awtomatiko na kapag naisip ko siya ay pipintig nang mabilis.

It's like he owns my heart.

Sumabay na sa akin si Irene sa pagpasok. Nauna na si Stella kanina, dahil whole day talaga ang pasok nito unlike kay Irene na may vacant time.

Mabuti na lang pagpasok ko ay wala pa ang professor ng third subject ko sa araw na iyon. Pangatlong subject na ang naabutan ko. Pumasok ako sa loob at tahimik na naghintay.

Dumating ang professor namin, ngunit agad may nag-excuse para kausapin ako. Kinabahan akong humarap sa kapwa ko estudyante.

"Pinapatawag ka sa Head's office ni Ma'am Molina," saad nito at lumisan. Nagpaalam na muna ako sa professor namin bago naglakad patungo sa head's office.

Tinungo ko ang cubicle ni Ma'am Molina at binati siya.

"Good morning Ma'am, pinapatawag niyo raw po ako?" magalang kong saad.

Tumigil siya sa ginagawang pagsusulat at nag-angat ng tingin sa akin. She let out a sigh then clasped her hands.

"You're really a good student Miss Villegaz. Smart, active and responsible..." Dinagundong ng kaba ang puso ko. Hindi ko na napansin ang mga papuri niya, "But I'm afraid that this will lead you on something that I hate. Baka hindi ka na makapag-aral dahil dito..." I gasped for air and played with my palms. I need to calm myself. Damn!

"Ma'am, what do you mean po?" I asked. I tried to ready myself. I can feel that there's a bad news. And I'm really afraid.

"Wala ka ng scholarship."

And I felt like my world stop spinning. Natulala ako sandali at nang makahuma ay napakurap-kurap.

"Ma'am? Bakit po? May nagawa ho ba akong mali?" Nag-iinit agad ang gilid ng aking mata. Nanghihina ako, namamanhid.

"Actually, last month pa 'to. Last month ka pa wala ng sponsor. But we tried to look for someone who's willing ngunit wala na. Mas nakatutok na sila ngayon sa mga bata na nasa kalsada..." she sadly said.

Dark LoveDär berättelser lever. Upptäck nu