Chapter 9

57.7K 2.4K 132
                                    

Sweet's POV

Mabilis ang kilos na ginawa ko sa pagligpit ng mga gamit. Ipinasok ko ang mga notebook na ginamit at tinapon ang mga crumpled papers sa trashbin sa gilid. Pinulot ko ang apat na makapal na libro saka tumayo para ibalik ito sa shelf.

Tuluyan akong lumabas ng library. At nang makalabas, saka ko lamang napagtanto na pagabi na. I glanced on my wrist watch and learned that it is already quarter to six. Sinapo ko ang leeg at pinakiramdaman ang sarili. I think I will not attend my work even just for today. Hindi maganda ang pakiramdam ko.

Suminghot ako at napagtanto na hindi rin maganda ang lagay ng ilong ko. Mukhang lalagnatin pa ako. Nilabas ko ang cellphone at nagtipa ng mensahe para sa boss ko at sinabi ang kalagayan. Patuloy lamang akong naglalakad hanggang sa nagreply ito na nagsasabing 'okay lang'. I let out a sigh at binilisan ang paglakad.

Dahil sa kagustuhan ko na matapos ang assignment at makapag-review para sa mga upcoming tests ginabi na ako at sumama pa ang pakiramdam ko. Iilan na lamang rin ang mga tao sa paligid ng campus at pawang mga school staffs na lamang. Paglabas ko ng gate ay sandali akong naglakad papunta sa waiting shed. Kapag pagabi na, madalang pa naman ang pagdaan ng mga jeep dito.

I coughed again. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang bottled water para uminom. Nanunuyo ang lalamunan ko. Pagbalik ko ng tubig sa bag ay halos mapa-atras ako nang makita ang kambal. They are staring at me intensely. Dinagundong ng kaba ang puso ko nang maalala ang nangyari kahapon sa cafeteria. Hindi talaga sila basta tao lamang. Ni hindi ko nga naramdaman ang pagdating nila sa gilid ko. Akmang magsasalita ang babae nang tumigil sa harap namin ang jeep. Nakahinga ako nang maluwag at mabilis na tumalima.

Pumasok ako sa jeep at umupo. Sumulyap ako sa bintana at nakita ang pagngisi nilang dalawa at tumango. Akala ko ay sasakay rin sila ngunit mabuti na lamang ay hindi at nanatili silang nakatayo doon. I shivered when I saw them still staring at me kahit papalayo na ang jeep. Umiwas ako ng tingin at kumuha na lamang ng barya at nag-abot ng bayad.

Ilang minuto ang lumipas, nakababa na ako sa harap ng gate ng village. Tinanguan ako ng guard nang makita ako at sinuklian ko ng ngiti. Kahit ala-sais pa lamang ay tahimik na ang village. Iilan na lamang din ang naglalakad.

Nakaramdam ako ng panlalamig. Niyakap ko ang braso ng magsitaasan ang balahibo ko. Something is not right!

Nakarinig ako ng yabag galing sa likod ko. Kaya hindi ko napigilang tumakbo papunta sa apartment. Bago ko maisara ang pinto ay nakita ko pa ang kambal na halos kasunod ko lang. Mabilis kong ini-lock ang pinto. Ibinaba ko pa ang bakal upang mas secure ang pinto. Nakahinga ako nang maluwag.

I loosen my grip on the strap of my bag bago humarap ngunit nanlaki ang mata ko nang makita sila sa harap ko. Smirk is plastered on their face. What the hell! I think they are also vampires! Nilibot ko ang tingin sa loob ng apartment ngunit wala ang bakas nina Stella rito.

Mabilis ang paghinga ko nang humakbang palapit si Daniella. Napasandal ako sa pinto at halos gusto ko nang isiksik ang sarili doon. Ngunit wala akong kawala. Pilit kong pinatapang ang sarili..

"Bakit kayo nandito? Paano kayo nakapasok?" Nanginginig ang boses ko. Ngumisi lamang si Daniella saka ikinulong ang leeg ko sa kanyang palad. Napapikit ako nang maramdaman ang malamig niyang kamay. Madiin ang pagsakal niya sa akin. Pinipigil ng hawak niya ang aking paghinga.

"What are you?" her soft voice asked. I tried to open my eyes and stare at her.

"Ano pa ba!? E'di tao," sagot ko. She tilted her head a bit and looked at me.

"Really? Then how can you explain what happened yesterday?" Nanghahamon niyang tanong. Mabilis akong umiling at pilit na inaalis ang masikip niyang pagsakal sa leeg ko. I tried gasping for air.

Dark LoveWhere stories live. Discover now