Chapter 34

42.6K 1.6K 127
                                    


Sweet's POV

He's frozen on his spot. Nagsimulang kumawala ang mga luha na pilit kong pinipigilan. Naramdaman ko ang paghila sa akin nina Daniella pero hindi ako makapalag dahil sa panghihina. I want Lennox to do it for me. I want him to stop them from getting me.

"L-lennox. Come on, don't listen to them..." paos kong saad.

Pati ang boses ko ay nanghihina na. I can feel something piercing and stabbing my heart a million times. Unti-unting nagiging piraso dahil sa malamig niyang reaksyon.

"Stop them," I begged.

Mas naging agresibo ang paghila sa akin. Pilit kong pinapabigat ang sarili ngunit walang nangyayari dahil malakas sila at nagtulong-tulong pa.

He just remained on his spot staring at us. I get it. He loathes Aster so much because she's the reason why his life was miserable at kung bakit rin nawala ang una niyang minahal. Pero hindi ba sapat ang pagmamahal niya sa akin kaya ganito siya?

"Lennox..." I murmured once again.

Nabigla na lamang ako nang tumalsik siya dahil sa atake ng kasama nina Daniella.

"Lennox! Stop it! Don't hurt him!" I shouted.

"Shut up, Aster. Let's get out of here," someone said. Tinapunan ko sila ng matalim na titig at pilit na nagpumiglas.

"I'm not Aster! And I will never be!" I shouted at the top of my lungs, kasunod ay ang paghalo namin sa hangin.

Nanghihina akong napaluhod sa lupa at umiyak nang umiyak. Daniella's grip loosened kaya tuluyan akong napasalampak sa lupa at nanghina. My hurt is clenching. This pain is so intense and excruciating and it feels like I am dying.

"See that, Sweet? He didn't love you enough! Ni hindi ka niya ipinaglaban sa amin. He's coward and selfish jerk!" Patuloy siya sa pagsasalita na lalong nagdadagdag ng sakit sa puso ko. At tumatama iyon nang sapul, natutumbok niya lahat kaya mas nasasaktan ako. Ayoko siyang marinig! Ayoko!

"You shut up, Daniella!" Pinilit kong tumayo kahit nanghihina na ang mga tuhod ko. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.

"Bakit? Masakit ba? Totoo naman kasi na hindi ka niya maha—"

"I said fucking shut up!"

Nanlaki ang mata niya at kasunod no'n ay ang pagtalsik niya dahilan para mawasak ang pader na tinamaan niya.

Everyone became alert and eyed me. Their eyes were curious, some are afraid and some are mad.

"Bakit mo siya sinak—"

"You shut up! Ayokong may marinig na kahit anong salita mula sa inyo!" I shouted. Mabilis ang tibok ng puso ko at namamawis ako nang malamig.

"Don't use that tone to me, lady."

Mula sa likod nang grupo ng mga witch ay lumabas ang babae na may kulay abo na buhok at lila na mga mata. She has a powerful and dominating aura. Napaatras ako ngunit nanatiling taas-noo. I will never bow to anyone of them. Dahil hindi nila ako kauri.

"I don't care and you don't care whatever tone I'll use. Ayoko dito. Ibalik niyo na ako kay Lennox!" I shouted and tears started to fall from my eyes again.

Pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako. I'm fucking lonely. I'm inside the place na wala akong kakilala at kauri. And I hate to say this but my only love let me go. 'Yong lalake na kaya kong ibigay ang lahat sa kaniya, kaya kong gawin at ipaglaban at 'yong lalake na tangi kong minahal at pinahalagahan. 'Yong lalake na inasahan kong gano'n rin ang gagawin sa akin, 'yong lalake na sabi ay mahal na mahal ako, sasambahin at poprotektahan ay hinayaan akong makuha ng mga nilalang na simula pa noon ay nangingialam sa kaniya.

Dark LoveWhere stories live. Discover now