Chapter 42

3.4K 31 1
                                    

Chapter 42 —Confession to Julie.

Mag-isa lang si Julie sa park. Hindi gaanong matao sa park nang mga oras na iyon. May iilan lang na mga batang naglalaro at may babaeng naglalakad kasama ang kanyang aso. Naka-upo naman si Julie sa bench at nakatulala habang may malalim na iniisip.

Paano kung tama sila…paano kung panahon na para kalimutan lahat ng nangyari sa nakaraan? Paano kung panahon na para magsimula ulit?

Umiling si Julie. Ano ka ba, Julie! Ang dami mo nang pinagdaanan! Gusto mo bang gumulo ulit ang lahat?

Eh, magulo naman na, ‘di ba? Tsaka paano ko malalaman kung ‘di ko susubukan?

Osige…subukan mo. Para masaktan ka ulit.

Gulung-gulo na ang utak ni Julie. Hindi na niya malaman kung ano ang dapat niyang sundin. Hindi na niya alam kung ano ang tama sa mali. Dapat nga ba niyang bigyan pa ng isang pagkakataon ang pagmamahalan nila ni Elmo? O hindi?

“Arrghh! Ang gulo!” sabi ni Julie sabay kamot sa ulo niya.

Sakto namang napadaan ang sasakyan ni Daren sa park na iyon. Napalingon si Sam sa may bintana at nakita niya si Julie na naka-upo sa bench at tila may malalim na iniisip.

“…Julie?” wika nito.

“Kuya, sandali lang po.” sabi ni Daren sa driver niya.

Hininto ng driver niya ang sasakyan sa tapat ni Julie.

Nagtaka si Julie sa humintong sasakyan. Anong meron?

Nagulat si Julie nang makita niyang bumaba si Daren mula sa sasakyan na iyon.

“Daren?” wika ni Julie.

Ngumiti si Daren at lumapit sa kanya.

“Ano ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ni Daren.

“Ikaw nga dapat kong tanungin niyan, e,” sagot ni Julie.

Ngumiti lang muli si Daren at umupo sa bench katabi ni Julie.

“May dinalaw lang akong friend sa kabilang street.”

“Ahh…” wika na Julie habang tumatango.

“Ikaw? Ba’t ka andito? Tapos mag-isa ka pa.”

“…W-wala lang…”

“Wala lang? Eh mukha ngang pinagsakluban ng langit at lupa yang itsura mo, o.”

Tinignan ng masam ni Julie si Daren. Loko ‘to, ah.

Tumawa si Daren. “…Joke lang. Di ka naman na mabiro.”

Ngumisi lang si Julie. Hindi talaga.

“…Kamusta ka na?” tanong muli ni Daren kay Julie.

“Eto…buhay pa,” pamimilosopo ni Julie.

Ngumiti si Daren. “Pansin ko nga, e.”

Ngumiti rin si Julie.

“Ikaw?”

“Maayos naman.”

Tumango si Julie.

“…Eh…kayo ni Elmo?…kamusta na?”

Napatingin si Julie kay Daren.

“…Ba’t mo naman natanong?”

“Wala naman. Nangangamusta lang… Lalo na ngayon. Nanay at tatay na kayo. Any changes?”

Bumuntong hininga si Julie at tumango.

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon