Chapter 31

3.5K 40 1
                                    

Chapter 31—Decisions.

Mag-isa lang si Julie sa kwarto niya na nakahiga sa kama at umiiyak siya habang hawak-hawak ang litrato ni Princess. Hindi pa rin siya napapatanag matapos ang lahat ng pangyayari kahapon. Masakit pa rin para sa kanya na galit ang anak niya sa kanya.

“Julie…” tawag ng mama niya pagbukas nito ng pinto ng kwarto ni Julie.

Dali-daling pinunasan ni Julie ang luha niya at inilapag sa katabing mesa ng kama niya ang litrato ni Princess. Ini-angat din niya ang sarili mula sa pagkakahiga at na-upo na lang sa kama.

“Ma…” mahinang wika niya.

Lumapit sa kanya ang mama niya—umupo ito sa kama katabi ni Julie.

“Anak…’di mo kaylangan itago yang nararamdaman mo sa akin. Alam kong nasasaktan ka...” malumanay na sabi ng mama ni Julie habang hinihimas ang likod nito.

“…Ma…ang sakit pala, ‘no?…ang sakit na sarili mong anak, sasabihan kang ang sama mo…ang sakit na sarili mong anak sasabihin na ayaw na niya sa’yo…ang sakit-sakit po ma!”

Tuluyang bumuhos ang luha ni Julie. Niyakap siya ng kanyang ina.

“…Hay, Julie…” wika ng kanyang ina sabay yakap sa kanya.

“…Kung alam lang nila, ma…kung alam lang nila kung gaano kahirap sa parte ko…na sa tuwing tatawagin niya ‘kong ate, ang sakit! Ang sakit na ate ang tawag sa akin ng sarili kong anak…at hindi mama…sa tuwing yayakapin niya ‘ko…parang nahahati sa dalawa yung puso ko…ma, sa anim na taon…sa anim na taon, hindi ko nagawang sabihin kay Princess na ako ang mama niya…”

Bumitiw sa pagkakayakap nila ang ina ni Julie. “Anak…Parte talaga yan ng pagiging ina…talagang dumadating sa punto na masasaktan ka…pero dapat kang matutong lumaban…para sa sarili mo…at para sa anak mo…dahil ina ka na.”

“…ang hirap po kasi, e…kasi nahusgaan na nila ‘ko…iniisip nila na ang sama-sama ko…na sinungaling ako…ma…hindi naman nila alam yung totoo, e! Hindi nila alam yung rason kung bakit ko ginawa yun!”

“Shh…shh…” pagpapatahan ng ina ni Julie.

“Alam ko, anak…naiintindihan ko. Pero Julie may mga tao pa rin namang naniniwala sa’yo, e…ako…ang papa mo…mga kaibigan mo…Julie, kaylangan mo lang tatagan ang loob mo.”

“Pero ma…yung pang-unawa ni Princess ang higit kong kailangan ngayon, e.”

“Alam ko, Julie. At alam ko rin na patatawarin ka rin ni Princess…oo, hindi ikaw ang kinilala niyang ina…pero Julie…ikaw ang nagpalaki sa kanya…at higit pa sa pagiging ina ang naiparamdam mo sa kanya. Kaya wag ka na mag-alala, ha?”

Tumango si Julie bagaman tumutulo pa rin ang mga luha sa mata niya.

“Hay…ang anak ko…matanda ka na talaga…hindi na ikaw yung baby ko…nanay ka na…”

Nangiti si Julie at ang mama niya sabay nagyakap silang dalawa.

Alam ni Julie na sa panahon ng kagipitan o sa panahon ng matinding problema…ang ina niya ang palagi niyang makakapitan at masasandalan.

—;—

Naka-upo si Elmo sa working table niya sa loob ng kwarto niya. Seryosong-seryoso ang mukha niya habang may kausap siya sa phone.

“Sige…basta gawin mo yung best mo para maayos yung mga papeles nung bata…kung pwede sana gusto ko mapabilis yung paglipat sa akin ng custody niya…sige…sige…”

Pagkababa ni Elmo ng telepono ay lumapit sila Helen, Margaret, Belle at Fell sa kanya. Nakabukas ang pinto ng kwarto ni Elmo kaya tuloy-tuloy lang silang pumasok sa loob nito.

“Elmo…sino yung kausap mo?” tanong ni Helen nang makalapit sila kay Elmo.

Bumuntong hininga si Elmo.

“Wala, ma…lawyer lang…I’m asking him to arrange the papers to file a case for the custody of Princess.”

“Elmo?!” kunot-noong sigaw ni Margaret.

“Joke ba ‘to, Moe? Kukunin mo si Princess kay Julie?!” galit na sabi ni Margaret.

“I'm not joking, Marge! Besides, what’s wrong with that? Ama ako ni Princess at may karapatan ako sa kanya.” sagot ni Elmo.

Napa-iling sila Margaret, Anabelle at Fell.

“I know…but…why don’t you just settle things out with Julie first?” tanong ni Anabelle.

"That's right! Don't be too impulsive, Moe," dagdag ni Margaret.

“Ayokong makipag-usap sa kanya. Besides, regarding legal matters, hindi ba mas makakabuti kung i-consult ko yung lawyer ko? Tsaka…hindi ba kayo masaya? Makakasama na natin si Princess!”

Umiling-iling sila Anabelle, Fell at Margaret.

“Moe…” wika ni Helen habang naka-kunot noo. Hindi ito natutuwa sa nais mangyari ng anak niya.

“Jerk!” sabi  naman ni Margaret.

Napa-buntong hininga si Elmo.

“What’s wrong with you, guys?! Hindi ba kayo masaya? Makakasama ko na yung anak ko?” sigaw ni Elmo na parang hindi makapaniwala dahil hindi sumasang-ayon sa kanya ang pamilya niya.

“Elmo, first of all, you’re not sure if you’ll win this case…” sabi ni Anabelle.

“I’m sure!” sabat ni Elmo.

“I’m not yet done talking!” reklamo ni Belle.

Hindi umimik si Elmo.

“Second, hindi mo na inisip si Julie! Ano na lang ang mararamdaman niya na ilalayo mo yung anak niya sa kanya. Hindi ka na ba naawa dun sa tao?!”

“Awa?! You must be kidding.” sagot ni Elmo.

“Belle, anim na taon. Anim na taon ang nawala sa aming mag-ama! Anim na taon na hindi ko nakasama yung anak ko…and now I’m given the opportunity to be with her. Tapos tatanungin mo ‘ko kung naaawa ako kay Julie? Eh, kung tutuusin siya naman ang may kasalanan nitong lahat, e!”

Biglang sinuntok ni Fell si Elmo. Napahwak sa mukha niya si Elmo. Nagulat naman sila Helen, Maxene at Saab.

“Frank!” sigaw ni Helen—dali-dali niyang inawat ang anak.

“Eh, g*go ka pala, e! Dahil lang dun ilalayo mo na si Princess sa sarili niyang ina?! Tingin mo magiging masaya yung bata ng ganun? Bakit? Diba anim na taon din namang hindi nasabi ni Julie kay Princess na siya yung ina niya?! Kung tutuusin, nagpapakahirap si Julie na buhayin si Princess habang ikaw nagpapakasaya rito!” galit na galit na sigaw ni Fell kay Elmo.

“Bakit ginusto ko ba na mahirapan siya? Handa naman akong panagutan si Princess kung binigyan niya ‘ko ng pagkakataon, ah! Pero hindi niya ‘ko binigyan ng pagkakataon!” galit na galit ding sumbat ni Elmo.

“Nandun na nga tayo! Oo, ilang taon ang nawala sa inyo ni Princess, pero mas maraming taon ang kukunin mo dun sa bata kung ilalayo mo siya sa nanay niya! Pwede ba, Elmo, magpaka-lalaki ka naman!” sabi ni Fell sabay alis palayo kina Elmo—lumabas siya ng kwarto.

“Fell!” tawag ni Margaret. Mabilis niyang hinabol niya ang kapatid at lumabas din ng kwarto ni Elmo.

Napa-buntong hininga na lang si Elmo. Alam niyang may katwiran ang kapatid, ngunit ang bugso ng kanyang damdamin ang nagingibabaw sa mga panahong iyon.

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon