Chapter 24

3.5K 29 0
                                    

Chapter 24 —Beatrice’s wish.

Maagang nagising si Julie. Bumungad sa kanya ang kalendaryo na may nakabilog na petsa.

“…birthday na pala ni Princess next week.” sabi ni Julie sa sarili.

Mabilis na naghilamos si Julie at nag-ayos ng sarili at lumabas ng kwarto. Pagbaba niya ay sakto namang nanunuod ng telebisyon ang papa niya samantalang naghahanda ng panghimagas ang mama niya.

“O, Julie…ang aga mong nagising, ah.” sabi ng mama nito.

Ngumiti si Julie. “Opo…siya nga po pala, ma…si Princess…”

“Birthday na niya next week.” pagpapatuloy ng papa ni Julie.

“Alam niyo po?” gulat na tanong ni Julie.

“Julie naman, siyempre, alam namin kelan birthday ni Princess.” sagot ng mama niya.

“Oo nga naman, anak.” sabi ng papa niya.

“Bakit? Nakalimutan mo ba?” tanong ng mama niya.

“…eh…hindi naman po sa ganun…nawala lang sa isip ko.” sagot ni Julie na nag-aalala.

“Naiintindihan namin, anak. Alam naman naming busy ka sa trabaho, e.” sabi ng mama niya.

Tumango ang papa ni Julie.

“Eh, ano bang plano mo?” tanong ng papa niya.

“…hindi ko nga po alam, e…gusto ko po sana magpa-party. Tutal naman po matataas grades ni Princess tsaka parang party na rin po para sa pagbabalik natin sa Pilipinas.”

“Ay, magandang ideya yan! I’m sure matutuwa yung bata.” sabi ng mama niya.

“Oo nga, tsaka nung tinanong ko siya noon sabi niya gusto niya raw ng party, e. Disney theme raw.” sabi ng papa ni Julie.

Nangiti si Julie.

“Si Princess talaga.”

“Bakit po narinig ko po yung pangalan ko?” tanong ng maliit na boses mula sa likod.

Nilingon nila Princess ang pinanggalingan ng boses.

“Princess, baby, goodmorning!” nakangiting bati ni Julie.

Ngumiti rin si Princess. “Goodmorning din po!”

Lumapit si Princess kina Julie.

“Ano po pinag-uusapan niyo? Bakit po narinig ko yung pangalan ko?” tanong ng bata.

Nagtinginan si Julie at ang papa niya.

Umupo si Julie sa sofa at tinawag si Princess para umupo sa lap niya. Umupo naman ang bata.

“Kasi Princess…ano…hindi ba birthday mo na next week, Sunday…so, gusto sana ni ate na magpa-party tayo. Gusto mo ba yun?” tanong ni Julie habang kalong at yakap si Princess.

“Party? Yun po ba yung maraming bisita tsaka may games tapos mayrong mga ilaw tsaka kung ano-ano pa po?”

Nakangiting tumango si Julie.

“Ay! Opo! Opo! Gusto ko po yun!” tuwang-tuwang sabi ni Princess.

“Sabi sa’yo gusto ni Princess yun, e. 'Di ba?” sabi ng papa ni Julie.

“Opo!” masayang sagot ni Princess.

“O, eh, ano ba ang motif ng party niyo?” tanong ng mama ni Julie.

“Uh…” wika ni Julie.

“Disney po! Disney!” sabi ni Princess.

Natawa sila Julie.

“Disney?” tanong ni Julie.

“Opo! Tapos ako po si Cinderella!” sabi ni Princess.

“Eh? Ayaw mo si sleeping beauty?” tanong ni Julie.

“Ayaw ko po! Gusto ko po si Cinderella!”

“Bakit naman?” 

“Kasi po maganda siya!” sagot ni Princess.

“O sige, ikaw na si Cinderella.”

“Yehey!” tuwang-tuwang sabi ni Princess.

“Eh, teka, Julie, sino-sino ba iimbitahan natin? Tsaka gano karami? Para ma-compute natin yung gastos.” tanong ng mama ni Julie.

“Uh…yung mga kaibigan ko po, tas yung ibang kamag-anak natin, tsaka classmates ni Princess. Hindi naman po siguro aabot ng 100 yung bisita.” sabi ni Julie.

Tumango ang mama ni Julie. “…eh, Princess, sino ba gusto mong iinvite?” tanong nito.

“Yung mga classmate ko po! Sila Leana…” sagot ng bata.

“Ay! Tsaka po sila Kuya Elmo!” dagdag ng bata.

Nagulat sila Julie.

“B-bakit n-naman nasama si Elmo sa usapan?” tanong ni Julie.

“Eh, kasi po friend niyo po siya, 'di ba? Tsaka po kuya ko po siya!” sagot ng bata.

“…P-pero…Princess…ano kasi, e…busy yun si Kuya Elmo…I’m sure hindi siya makakapunta.”

“Ehh! Gusto ko po si Kuya Elmo pumunta.”

“Pero Princess, hindi nga pwede.”

Bumaba sa kanlungan ni Julie si Princess.

“Bakit po hindi?”

“…B-basta! Hindi pwede!”

Nag-umpisa nang tumulo ang luha ni Princess.

“Kung hindi po kasama si Kuya Elmo, ayoko na po mag-birthday!” hagulgol ng bata sabay takbo paakyat sa kwarto niya.

“Princess…” wika ni Julie. Bakas sa mukha niya ang pagkabahala.

Susundan niya sana ito pero pinigilan siya ng papa niya.

“Julie…hayaan mo na muna yung bata.” sabi nito.

“Pero pa…” wika ni Julie.

“Anak kasi…pagbigyan mo na si Princess. Tutal naman birthday niya diba?” sabat ng ina ni Julie.

“Ma…”

“Julie…masisisi mo ba yung bata kung mapalapit ang loob niya kay Elmo?” tanong ng mama niya.

Hindi naka-ibo si Julie.

“Anak, ipagpaliban mo na muna yung tungkol sa inyo ni Elmo. Tandaan mo, si Princess ang pinag-uusapan dito. Kahit para na lang dun sa bata…” sabi ng papa ni Julie.

May pag-aalinlangang tumango si Julie.

Hindi sang-ayon si Julie na imbitahan si Elmo sa birthday ni Princess lalo pa’t sinabi niya dito na dumistansya sila sa isa’t-isa ngunit hindi rin naman kaya ni Julie na makitang nasasaktan ang bata kaya pumayag siya.

—;—

“Princess…” wika ni Julie pagbukas niya ng pintuan ng kwarto nito.

Nakahiga lang sa kama ang bata—bakas sa mukha ang pagtatampo.

Lumapit si Julie sa bata.

“Princess…galit ka pa ba kay ate?” tanong ni Julie.

Hindi umiimik si Princess.

“Sorry na, baby…” paumanhin ni Julie. “…mali si ate…”

Huminga ng malalim si Julie. “…kaya…sige…susundin na natin yung gusto mo…iimbitahan na natin si Kuya Elmo…”

Nagulat si Princess sa narinig at biglang napalitan ng ngiti ang kanyang kalungkutan.

“Talaga po?” tuwang-tuwang tanong ng bata.

Nakangiting tumango si Julie.

“Yehey!” sabi ni Princess sabay yakap sa leeg ni Julie.

“Thankyou Ate Julie! I love you po.”

“I love you too.” sabi ni Julie na nakangiti.

Lahat ng pag-aalinlangan ni Julie ay napawi nang makita niyang masaya ang nag-iisa niyang kayamanan…si Princess.

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon