Chapter 30

3.7K 37 1
                                    

Chapter 30—Knowing the truth

Sobrang nanlaki ang mga mata ni Julie nang makita ang papel…

—birth certificate ni Princess.

Parang na-estatwa si Julie nang ipakita ni Elmo ang birth certificate ni Princess. 

“S-sa-saan mo nakuha yan?” nanginginig sa gulat na tanong ni Julie.

“Hindi na mahalaga kung saan ko ‘to nakuha.” sagot ni Elmo na punong-puno ng emosyon.

“Ngayon ka magpaliwanag, Julie! Ngayon mo sabihin sakin kung ano ibig sabihin nito?!” pasigaw na sabi ni Elmo. Bakas sa mukha nito ang matinding galit.

Bakas sa mukha ni Julie ang pagka-aborido. “A-ano pa bang i-eexplain ko?" nanghihinang tanong ni Julie. Alam niyang sa pagkakataong ito. Wala na siyang kawala sa kanyang tinatagong sikreto. "N-na-nabasa mo na yung nilalaman niyan, diba…” sagot ni Julie.

“So... totoo nga? So totoo nga na anak ko si Princess?!” galit na tanong ni Elmo. Habang maigting na nakatitig kay Julie.

Inilihis ni Julie ang tingin niya sa iba. Hindi na rin siya naka-ibo. Hindi na niya malaman ang gagawin. 

“Sagutin mo ‘ko Julie!” pagtataas ni Elmo ng boses.

Pumikit si Julie sandali at huminga ng malalim bago tumango.

“O-oo…a-anak…anak mo siya…”

Napa-buntong hininga si Elmo.

“So all this time…itinatago mo sa akin na anak natin siya? Bakit Julie?! Bakit mo nagawa yun?!” maluha-luha at galit na tanong ni Elmo.

Hindi pa sinasagot ni Julie ang tanong ni ELmo ay dumating na and mga Rodriguez, mga ka-opisina ni Julie, mga kaibigan ni Julie, mama ni Julie at maging si Princess. Hindi nila naiintindihan ang nangyayari sa pagitan nila Julie at Elmo.

"A-anong nangyayari?" tanong ng mama ni Julie. Ngunit hindi siya sinagot nila Julie at Elmo. Tila ba hindi napapansin ng dalawa ang presensiya ng ibang tao.

“Sumagot ka!” sigaw ni Elmo kay Julie. Sobrang tindi ng galit na nararamdaman ni Elmo nang mga panahong iyon. Kahit sino naman sigurong nasa posisyon niya ganoon din ang mararamdaman.

“…hindi mo naiintindihan, e…” mangiyak-ngiyak na sabi ni Julie.

“Ano pa bang kaylangan kong maintindihan, Julie?! Ano pa!”

Tuluyan nang tumulo ang mga luha nila Julie at Elmo.

“Julie…6 na taon…6 na taon ang ipinagkait mo sa amin ni Princess…6 na taon na hindi ko alam na mayroon pala akong anak na dapat pinagtutuunan ko ng pansin at pagmamahal!”

Huminga ng malalim si Elmo at umiling-iling.

“So kaya pala magaan yung loob ko sa bata, kasi anak ko siya…kasi ako yung ama niya…pero Julie ipinagkait mo yun sa amin! All this time, pinaniwala mo kami na mag-ate kayo pero ang totoo, anak natin siya! Anak natin, Julie!”

Hindi na mapigilan ni Elmo ang nararamdaman niya. Para siyang time bomb na ano mang oras ay maaaring sumabog.

“…Elmo…may dahilan ako kaya ko itinago yun sa’yo…” umiiyak na sabi ni Julie.

“Anong dahilan? Ano pa bang kasinungalingan yung sasabihin mo, ha!”

“Elmo…pakinggan mo muna kasi ako!” pagtataas na rin ni Julie ng boses.

Umiling si Elmo. “Ewan ko…ewan ko Julie…parang hindi na kita kilala…parang hindi ko na alam kung ano yung totoo at hindi sa mga sinasabi mo…ayoko na…pagod na’ko…” sabi ni Elmo sabay lakad papalayo.

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon