Chapter 9

3.8K 38 1
                                    

Ilang araw na rin ang lumipas mula nang mag-umpisang pumasok si Julie sa kumpanya nila Elmo ngunit hindi pa rin sila nagkaka-usap nito.

Pagpasok ni Julie sa opisina ay agad itong binati ni Patricia.

“Goodmorning, Julie.” Bati nito.

Ngumiti si Julie. “Goodmorning.”

“Hay, trabaho na naman.” Sabi ni Patricia.

Ngumiti si Julie. “Okay lang yan.”

Ngumiti rin si Patricia. “Oo nga.”

Maya-maya ay biglang lumapit si Tina sa kanila.

“Goodmorning.” Bati nito.

“Goodmorning.” Bati nila Julie at Patricia.

“Julie, alam ko kaka-umpisa mo palang pero I’m sorry to say, may assignment ka na.” sabi ni Tina.

Ngumiti si Julie. “Ayos lang, ano.”

“…Eto, o.” sabi ni Tina sabay abot ng mga dokumento kay Julie.

“Alam mo bang natapat ka sa pinaka-mahirap na assignment?” sabi ni Tina.

“Bakit naman?” tanong ni Julie.

“Yan ba yung new product?” tanong ni Patricia.

Tumango si Tina. “Yan yung ini-improve na product, sobrang mabusising research ang kaylangan mong gawin, Julie. I’m really sorry. Pero I think pinag-iisipan naman ni Sir Elmo na bigyan ka ng kahati sa work na yan kasi mahirap talaga. Basta kapag may tanong ka, kausapin mo na lang si Sir.” sabi ni Tina.

Tumango si Julie. “Sige…”

“Sige, mauna na’ko, ha. May aasikasuhin pa ‘ko, e.”

“Bye.” Paalam nila Patricia at Julie.

At umalis na nga si Tina.

“Okay lang yan, Julie. Kayang-kaya mo yan!”

Ngumiti si Julie. “Thank you.”

—;—-

Naglalakad si Julie dala-dala ang mga dokumentong nakuha niya para sa assignment niya. Binabasa niya ang mga ito habang naglalakad nang bigla siyang may nakabangga—si Elmo.

Nagulat si Julie. “…S-sorry po, sir.” paumanhin nito.

Dali-daling pinulot ni Julie ang mga dokumentong nakakalat sa sahig.

Tinulungan din siya ni Elmo sa pagpulot ng mga ito na ikinagulat muli ni Julie. Maging ang mga tao sa paligid nila ay hindi makapaniwala na tinulungan ng boss nila ang isa sa mga empleyado nito.

“Wag na po kayo tumulong, sir. okay lang po ako.” Sabi ni Julie.

Ngunit hindi imiibo si Elmo at patuloy lang ito sa pagpulot ng mga nakakalat na papel sa sahig.

“Sir…” napabuntong hininga na lang si Julie at nagpatuloy sa pagpupulot ng mga dokumento.

Nang mapulot na nila lahat ay tumayo silang dalawa—nauna si Elmo at sumunod si Julie. Inabot ni Elmo ang mga dokumento kay Julie.

“Sa susunod, tumingin ka na sa dinadaanan mo.” sabi ni Elmo.

“…O-opo. Sorry…” sabi ni Julie.

Tumango lang si Elmo.

Tinitigan muna ni Elmo si Julie bago ito tuluyang naglakad palayo—ng walang paalam. Naiwan si Julie na nahihiya sa mga taong nakatitig sa kanya.

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon