Chapter 10

3.8K 33 0
                                    

Chapter 10 –Welcome to reality.

Nagtitimpla noon ng kape si Julie sa pantry ng opisina nila—iniisip ang mga maaaring mangyari kung matutuloy ang pagpunta niya sa bahay nila Elmo sa Biyernes. Bagaman ipinaliwanag na ni Margaret na wala si Elmo dahil magkakaroon siya ng business meeting, hindi pa rin kumportable para kay Julie na humarap sa pamilya ng lalaking iniwan niya.

Biglang nagbukas ang pinto at bumalik sa ulirat si Julie.

“Tina?” tawag ng lalaki sabay ng pagbukas nito ng pinto.

Nagulat si Julie nang makita kung sino ito—Elmo.

Nagkatitigan lang ang dalawa.

“…U-uh…hi-hinahanap mo ba si Tina?” nag-aalinlangang tanong ni Julie.

Tumango si Elmo.

“…Nasa kabilang department ata siya…” sagot ni Julie.

“…Ahh.”

Bakas sa mukha ng dalawa ang pagka-ilang.

“G-gusto mo ng coffee?” tanong ni Julie.

Umiling lang si Elmo.

“…o-okay…”

Ilang segundong katahimikan…

“…nabalitaan ko na nag-eexcel ka sa trabaho mo…mabuti yun… maintain mo lang yun…it’s good  to know na hindi ka pa rin nagbabago…like before, you excel in everything.” Sabi ni Elmo.

Hindi umibo si Julie.

Napagtanto ni Elmo na hindi niya dapat sinabi ang mga salitang iyon kay Julie.

“…Uh…sige, mauna na ’ko.” Sabi ni Elmo.

Paalis na si Elmo nang bigla siyang may naalala.

“Siya nga pala… Julie…”

Nakatitig lang si Julie kay Elmo.

“…magkakaroon tayo ng dinner meeting for the discussion about the new product next week. I’ll be with my business partner. Kaylangan natin i-discuss yun para maging organized lahat…I hope you understand…yun lang…bye.” Sabi ni Elmo.

Bago pa man maka-imik si Julie ay umalis na si Elmo.

Napa-buntong hininga na lang si Julie.

“Hay, Julie…ano ba ‘tong mga pinapasukan mo…?” sabi ni Julie sa sarili.

—-;——

“O, ba’t ang lungkot mo?” tanong ni Julie.

Bumuntong hininga si Elmo. “Eh, pa’no, C na naman ako dun sa test namin. Wala na talaga akong pag-asa.”

Tumawa si Julie.

“Osige, tawa pa. malungkot na nga yung tao, e.”

Tumigil si Julie sa pag-tawa. “…Sorry na. Alam mo kasi, Moe, marami ka namang pwedeng gawin, e. kung gusto mo, i-tututor na lang kita.”

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon