Chapter 18

3.6K 28 1
                                    

Chapter 18—Options

“Ate Julie! Ate Julie!” sigaw ni Princess.
“O? Bakit?” tanong ni Julie.
“May family day daw po kami sa school, pupunta ka po, ‘di ba?”
Ngumiti si Julie. “Oo naman.”
“Yehey!” tuwang-tuwang sabi ni Princess.
“Eh, Ate, may games po kasi yun. Sasamahan mo po ako, ‘di ba?”
Nagkatitigan si Julie at ang mama niya.
“…nako, Princess, alam mo namang bawal si Ate sa mga nakakapagod na gawain, ‘di ba?”
“…hanggang ngayon po ba bawal ka pa rin? Eh, matagal naman na po yun, ah.”
“Oo nga, pero sabi kasi nung doctor umiwas na raw ako sa mga ganung bagay…”
Nalungkot si Princess.
“Sorry, Princess…”
“Hindi pwede si mama, hindi ka rin pwede, eh sino kasama ko?”
“Gusto mo ba tanungin ko sila Kath?”
Hindi umiimik ang bata.
Nagkatitigan muli sila Julie at ang mama niya—bakas sa mukha ng dalawa ang pamomroblema.
“…sandali lang, ma, ha. Tatawagan ko mga kaibigan ko baka may kahit isa man lang sa kanila na pwede.”
Tumango ang mama ni Julie. “Sige.”

Unang tinawagan ni Julie si Katherine ngunit mayroon daw siyang importanteng business meeting sa araw na iyon. Tinawagan din niya si Jade ngunit yun ang flight niya patungong Cebu. Tinawagan din niya si Ana ngunit masyado raw talaga itong maraming ginagawa. Sinubukan din niya sila Patricia ngunit tulad nila Katherine, may mga napangakuan na silang lakad.

“Waaaah!” sigaw ni Julie—bakas sa mukha ang pamomroblema.
“O, Julie…bakit?” tanong ng mama niya.
Bumuntong hininga si Julie at lumapit sa ina.
“Lahat sila may mga lakad at ginagawa. Sino na kaya ang pwede ko lapitan?”
“…nako, problema nga yan. Tiyak na malulungkot yung bata kung ‘di siya makakasali sa mga palaro…”
“…ayoko pong malungkot si Princess, ma.”
“Alam ko, anak. Maski ako, ayoko rin.” sabi ng ina habang hinihimas ang likod ng anak.

Maya-maya ay biglang may nag-doorbell. Gulat na nagkatitigan ang mag-ina.

“Sino kaya yan?” tanong ng mama ni Julie.
Kumibit balikat si Julie. “Teka po, pagbubuksan ko…”
Tumango lang ang mama ni Julie.

Naglakad si Julie tungo sa pintuan upang buksan ang pinto. Laking gulat niya nang makita si Elmo.

“Elmo?”
Ngumiti naman si Elmo. “Hi.”
“…a-ano ginagawa mo dito?” gulat na tanong ni Julie.
“Well… eh kasi I saw some documents at the office that may help you in your research so naisip ko na dumaan sa inyo just to give you this.” sabi ni Elmo sabay abot ng long brown envelope kay Julie.
“…uh…thankyou…”

“Julie!” tawag ng ina niya. “Sino yan?”
“…si…Elmo po…”
“Si Elmo? Papasukin mo.”
“Opo!”

Humarap muli si Julie kay Elmo.
“Tuloy ka.”
“Ah, hindi. Okay lang, sinadya ko lang talaga yan pero paalis na rin ako.”
“Sige na, tumuloy ka na.”
“…uhh...sige…”

Tumuloy naman si Elmo. Nilingon siya ni Princess at tuwang-tuwang ang bata na tumakbo palapit sa kanya.

“Kuya Elmo!” sigaw nito.
“Hi, Princess.” nakangiting bati ni Elmo.
“Bakit ka po andito?” tanong ng bata.
“May binigay lang ako sa ate mo na documents.”
“Ahh.”
“Para saan naman yung mga documents na yun?” tanong ng mama ni Julie.
“Para po sa research ni Julie.”
“Ahh.”

May ilang segundong katahimikan sa kanila nang biglang maalala ni Princess ang family day sa day care nila.

“Kuya, kuya!” tawag ni Princess.
“Hmm?”
“May gagawin ka po ba sa Sunday?”
“Uh…oo ata…bakit?”
Nalungkot si Princess. “Ay…akala ko pa naman po pwede na kayo sa Sunday…”
Naramdaman ni Elmo ang kalungkutan ng bata.
“Ano bang meron?”
“Family Day po kasi namin…”
“…Bakit? Wala ka bang kasama?”
“Meron po. Si Ate Julie…kaso hindi siya pwede maglaro…”
“Bakit?”
“Kasi po…”
“Ah! Ano, kasi mabilis na ako mapagod…” pagsabat ni Julie.
“…Talaga?” nagtatakang tanong ni Elmo.
“…O-oo…di ba, Princess?”
Tinitigan ng ilang segundo ni Princess si Julie bago ito tumango.
“…Uh…ano, wag mo na lang pansinin si Princess. Hahanap na lang ako ng ibang pwede niyang makasama.”
“…Uh…”
“Marami kang gagawin, ‘di ba? Kaya wag mo na kami intindihin.”
“Actually, hindi naman siya importante…tsaka matagal na rin akong ‘di nakaka-experience ng family day…and I think that would be interesting.”
“Hindi…”
“Eh!” reklamo ni Princess.
“Beatrice!” paninita ni Julie.
“Eh, pumapayag na nga po si Kuya Moe, o!” pamimilit ng bata.
“Oo nga pero makakaabala pa tayo sa kanya.”
“Actually, hindi naman kayo makaka-abala, e.” sabat ni Elmo.
“Hindi, okay lang, kami na bahala…”
“…Julie…mukha namang gusto ni Elmo, e. Isa pa, nahihirapan ka rin naman humanap ng kasama ni Princess maglaro. Andiyan na si Elmo kaya ba’t ka pa maghahanap ng iba?”
“Pero…”
“Okay lang talaga, Julie.” sabi ni Elmo.

Hindi umimik ng ilang sandali si Julie.

“Sige na, Ate Julie…please…” paki-usap ni Princess.

“…S-sige na nga…”

“YEHEY!” tuwang-tuwang sabi ni Princess.
Bakas naman sa mukha nila Elmo at ng mama ni Julie ang kasiyahan para sa bata.

“Sigurado kang hindi abala, ha?” tanong ni Julie kay Elmo.
Nakangiting tumango si Elmo. “Oo.”

Ngumiti ng pilit si Julie—masaya siya para kay Princess ngunit hindi niya alam kung makakabuti ba ang paglalapit ng mga loob nina Princess at Elmo sa isa’t isa.
—-;—-
“Hi, Marge!” masayang bati ni Elmo pagpasok na pagpasok niya sa bahay nila.

Napanganga si Margaret dahil na-wiwirduhan siya sa kanyang kapatid.

“Uy, ganda mo ngayon, Belle.” puri ni Elmo kay Anabelle nang makasalubong niya.

Napa-kunot noo naman si Belle.

“Nice attire!” sabi naman niya kay Fell na naka-upo si sofa.

Tinitigan lang ni Fell si Elmo habang paakyat ito sa hagdan.

Lumapit sila Marge at Belle kay Fell—pare-parehong naguguluhan sa ikinikilos ng kapatid.

“Ba’t ang saya nun?” tanong ni Anabelle.
“Yun nga, e. Akalain mo binati ako!” sabi ni Margaret.
“Wala ka sa’min, pinuri kami!” sabi ni Fell.
“Ano kaya nangyari?” tanong ni Anabelle.
Kumibit-balikat sila Margaret at Fell.
“Siguro may anghel na bumaba sa langit.” sabi ni Fell.

Natawa ang magkakapatid—ngunit palaisipan pa rin sa kanila kung bakit masaya ang kanilang kapatid.

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon