Chapter 41

3.5K 29 0
                                    

Chapter 41 —It takes it all.

“…Nica…?” wika ni Elmo.

Dali-daling namang tumakbo papalayo si Veronica.

“Veronica!” sigaw ni Elmo sabay habol sa kanya.

Samantalang naiwan si Julie na hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

Jusko. Ano ba ‘tong ginawa ko?…si Veronica…paano si Veronica?

—;—

Patuloy lang sa pagtakbo si Veronica sa kalye habang umiiyak.

Alam ko namang si Julie pa rin ang mahal niya, e… Pero yung makita ko yun sa dalawang mata ko… Ang sakit-sakit pala.

Tumigil din si Veronica sa pagtakbo nang makakita ng bench katabi ng malaking puno at na-upo siya roon. Saka niya ibinuhos ang lahat ng emosyon niya. Galit. Poot. Sakit.

Maya-maya pa ay biglang dumating si Elmo. Dahan-dahan nitong nilapitan si Veronica. Kinakabahan din siya sa maaaring gawin o sabihin nito sa kanya. Bagaman alam niyang kasalanan niya, natatakot pa rin siya. Ayaw naman talaga niyang masaktan si Veronica. Lalo na sa ganitong paraan.

“…Nica…” mahinang wika ni Elmo.

Sinubukan ni Elmo na hawakan si Veronica ngunit tinaboy siya nito.

“Layuan mo ‘ko!” sigaw ni Veronica.

Nagulat si Elmo. Eto ang unang beses na nakita niyang nagalit si Veronica ng ganito.

“Veronica…” nag-aalalang wika ni Elmo.

“Pwede ba, Elmo! Sabi nang layuan mo ‘ko, eh!” sigaw ulit ni Veronica. Kita sa mga mata nito ang sobrang galit na nadarama niya.

Alam ni Elmo kung ano ang kasalanan niya. At alam niyang may karapatan si Veronica na magalit. Ngunit ito ang unang beses na nagalit ng ganito si Veronica. Tila ibang Veronica ang kaharap niya ngayon.

“…Veronica, can you just give me a chance to explain?!” pagtataas ni Elmo ng boses. HIndi na rin kasi niya alam ang gagawin para lang mapakinggan siya ni Veronica.

“Ano pa bang i-eexplain mo, Elmo! Hindi ako bulag nakita ko na ang dapat kong makita!”

“Lauren look! Hindi namin sinasadyang saktan ka…it’s just that…”

“Just that what? …Na mahal mo pa rin siya? Na mahal niyo pa rin ang isa’t isa?”

Bumuntong hininga si Elmo. “Alam kong mali ako…and Nica, I’m really really sorry about it.”

Huminga ng malalim si Veronica at pilit pinipigilan ang muling pagluha niya. “…Elmo…napapagod na rin ako, e…lahat na ng pag-unawa binigay ko…pero yung makita yun…hindi ko na alam kung paano pa kita iintindihin…”

Nasasaktan ko na nga siya.

“…I’m sorry…hindi ko gustong saktan ka," sabi ni Elmo na nakatungo ang ulo. Nahihiya na rin naman siya kay Veronica. Matapos ang lahat ng sakripisyong ginawa nito para sa kanya, nagawa niya pa ring saktan ito.

Tumingin si Veronica sa kanya.

“Elmo…I leave you a choice…it’s either you choose me or them—Julie and Princess.”

Gulat na napatingin si Elmo kay Veronica.

Seryoso ba siya?

“Nica?” naguguluhang wika ni Elmo.

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon