Chapter 27

3.4K 35 1
                                    

Chapter 27—His happiness.

“Julie! Julie!” tawag nila Patricia habang hinahabol nila si Julie sa corridor ng kanilang opisina.

Huminto sa paglakad si Julie at nilingon ang mga kaibigan. Dali-dali namang lumapit ang mga ito sa kanya at agad siyang inintriga tungkol sa date nila ni Daren.

“Uy! Anyare?” tanong ni Michele.

“Huh? Nangyari saan?” nagtatakang tanong ni Julie.

“Haysus, Julie! Alam mo na yun.” sagot ni Kei.

“Seryoso ako, hindi ko kayo naiintindihan. Ano nga?” naguguluhang tanong muli ni Julie habang nakakunot ang kanyang noo.

“Yung coffee date niyo ni Sir Daren!” sagot ni Patricia.

“Ahh…teka, hindi naman date yun, e!” pagdidipensa ni Julie.

“Anong hindi date!” sabat ni Kei.

“Hindi nga yun date!” pagpipilit ni Julie.

“Oo na, sige na! Hindi na yun date! Eh, ano bang nangyari?” tanong ni Patricia.

“Wala…uminom lang kami ng kape at orange juice,” mahinang sagot ni Julie.

“Yun lang? Hindi man lang kayo nag-usap?” mausisang tanong ni Kei.

“Nag-usap…” halos pabulong na sabi ni Julie. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ka-interesado ang mga kaibigan niya sa pag-uusap nila ni Daren.

Ano bang meron? Bakit ako iniintriga ng mga 'to? tanong ni Julie sa sarili.

“Yun naman pala, e! Ano pinag-usapan niyo?” tanong ni Michele.

“Wala lang yun. Nagkwento lang siya," matipid na sagot ni Julie.

“Aysus! Ayun na. Nagkwento! Diyan nag-uumpisa ang lahat!” sabi ni Kei.

“Julie…nililigawan ka ba niya?” pasingit na tanong ni Cassy.

Nagulat si Julie. “Hindi, ‘no! Ano ba kayo!”

Aba! Lakas maka-showbiz ng mga 'to! Daig pa ata nila si Boy Abunda ah!

“Hindi... pero niyayaya ka niya lumabas?” tanong ni Kei.

“Alam niyo, kailangan lang niya ng kausap. Wag niyo nga nilalagyan ng malisya lahat ng bagay,” pagpapaliwanag ni Julie.

Napa-iling sila Sef.

“Haynako! Wag na nga natin pag-usapan yan.” sabi ni Julie.

“Mabuti pa nga.” sabi ni Cassy.

“Uy…guys, kelangan ko kasi ng tulong niyo, e…” pag-iiba ni Julie ng usapan.

“Ano namang tulong?” tanong ni Kei.

“Eh, kasi mag-bibirthday na nga si Princess, hindi ba?… eh, kelangan ko kasi sana ng tutulong sa akin sa preparations…ano…pwede ba kayo?”

“…nako, Julie…pass muna ako, ha.” sabi ni Patricia. “May pupuntahan kasi kami nun ng family ko, e. Importante lang talaga.”

“Eh, Julie…ako rin, e…sorry, ha. Kasi may trabaho ako nun. Alam mo namang suma-sideline ako, 'di ba?” sabi ni Kei.

“…Julie…sorry pero ako rin, e…may lakad din kasi ako nun. Naka-commit na kasi ako.” paliwanag naman ni Cassy.

“Nako, eh, lalo naman ako. Nasa ospital yung lola ko, e. Dapat nga hindi ako pupunta ng Linggo kaso nakakahiya naman sa'yo…” sabi naman ni Mayton.

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon