Chapter 34

3.6K 36 0
                                    

Chapter 34—Realizations

Nakatitig lang si Princess sa mga ulap at sa mga ibong lumilipad habang naka-upo sa bench ng school nila—malapit sa may gate ng day care—habang hinihintay ang sundo niya.

Miss ko na si Ate Julie…mama? Ay…ewan…basta miss ko na siya… Gustung-gusto ko na siya kausapin pero gusto ko talagang makasama si Kuya Elmo. Gusto ko makasama ang papa ko.

Sumimangot ang bata. Ipinatong ang mga siko niya sa hita niya at umampat at muling tumanaw sa malayo.

Maya-maya ay mayroong lumapit sa kanya  na matangkad na lalaki. Pagtingin niya rito—si Elmo. Nagulat si Princess at napa-urong sa upuan.

Ngumiti ng pilit si Elmo. “Wag kang matakot…ako pa rin naman ‘to, e…si Kuya Elmo mo.”

“…Kuya…Elmo…” wika ng bata.
Umupo si Elmo sa tabi ni Princess  at pinagdikit ang mga kamay niya—parang nagdarasal na kamay—sabay lunok at hinga ng malalim.

“Alam mo na ba kung sino talaga ako?” tanong ni Elmo sa bata.
Nagtaka si Princess. “Di ba po kayo po si Kuya Elmo?”
Natawa ng mahina si Elmo. “Oo…ako nga…pero—”
“Pero po ano?”
“Hindi pa ba nasasabi sa’yo ng ate mo?”
“Ang alin po?”

“…Na…na…” nasa dulo na ng dila ni Elmo ang nais niyang sabihin. Na siya ang papa niya. Pero kahit anong pilit ni Elmo, nahihirapan siyang ipagtapat ito kay Princess dahil natatakot siya sa kung anong magiging reaksyon ng bata.

Hindi ito ang una nilang pagkikita, pero ito ang unang beses na haharap si Elmo kay Princess bilang ama niya. Kaya natural lang na kabahan si Elmo.

Bumuntong hininga ang bata.
Ano ba yan. Sasabihin lang na siya ang papa ko, di pa masabi, sabi nito sa isip niya.

“Alam ko na po kung ano ang gusto niyong sabihin... na kayo po ang papa ko at si Ate Julie po ang mama ko. Alam ko na po yun. Sinabi na sa akin ni Ate Julie po.” sabi ng bata na nagkibit-balikat.

Hindi makapaniwala si Elmo na ang sarili pa niyang anak—na anim na taong gulang pa lang—ang siya pang nagpaliwanag sa kanya ng lahat-lahat.

Nakakahiya.

“Mmm…ako nga ang papa mo…” sabi ni Elmo.
Tinitigan lang siya ni Princess.

Gustong itanong ni Elmo sa bata kung galit ba ito sa kanya. Dahil anim na taon niya itong hindi nakasama. Anim na taon na hindi niya naiparamdam sa anak niya ang pag-aaruga at pagmamahal ng isang magulang—ng isang ama. Ngunit mabigat ito sa kalooban ni Elmo. Dahil natatakot siya. Natatakot na baka galit nga talaga ang bata sa kanya dahil baka iniisip nito na pinabayaan niya siya.

“Uh…P-princess…ah…eh…” napalunok si Elmo. Eto na naman siya at napipilipit ang dila.

Kay Julie lang naman siya ganito dati, ah? Bakit ngayon, pati sa sarili niyang anak namimilimit na rin ang dila niya kapag kaharap niya ito?

Bakas sa mukha ni Princess ang pagtataka.

‘Ano kaya ang gusto sabihin sa ’kin ni papa?’ tanong ni Princess sa kanyang sarili.

Huminga ng malalim si Elmo at nag-concentrate. “P-princess…g-g-galit ka ba—” napalunok si Elmo. “…sa 'kin?”

Yun lang pala.

Ngumiti si Princess sabay iling.

“Alam ko naman pong hindi niyo po kasalanan, e. Wala naman pong may kasalanan.” sabi ng bata.

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon