Chapter 26

3.4K 33 0
                                    

Chapter 26—Coffee or Toffee?

Abala si Elmo sa pag-rereview ng mga dokumento nang biglang pumasok si Veronica na may dalang cake.

“Happy Anniversary!” bati ni Veronica.

Nagulat si Elmo.

“…You didn’t remember…”
“…N-no…ano kasi…”
“You don’t have to explain.” sabi ni Veronica. “Okay lang. I understand…”

Tumayo si Elmo at lumapit kay Veronica.

“…I’m really sorry, Veronica.”
“No…I understand. Alam ko namang sobrang dami ng iniisip mo sa company. Lalo na may i-laulaunch kayo na new product. It’s no big deal.”
“Pano ba…uh…babawi ako. Let’s have lunch together!”
“Hindi. Okay lang…I know you have tons of work to do. Marami rin naman akong inaasikaso. Maybe some other time.”
“Pero, Nica…”
“Moe…you know me. Hindi ko iniintindi yung mga ganyang bagay.” nakangiting sabi ni Veronica.
Ngumiti si Elmo. “Thankyou.”

“Sige na, mauna na ’ko. I have to go... Bye!” nakangiting paalam ni Veronica.
“Sige…bye…”
“I love you.”
“I love you too…”

Umalis na nga si Veronica.

Alam ni Elmo na nasasaktan na si Veronica kahit na pilit nitong sinasabi na ayos lang siya.
—;—
Papunta ng canteen sila Julie—kasama sila Patricia, Kei, Michele at Cassy—nang makasalubong nila si Daren.

“Good afternoon po, Sir,” bati nila.
“Oh, hi! Good afternoon..” bati ni Daren.

“By the way, kakain ba kayo sa canteen?” tanong ni Daren.
“Opo.” sagot ni Kei.
“Gusto niyo po sumama?” tanong naman ni Michele.
Siniko ni Patricia si Michele.
“Ay, pagpasensiyahan niyo na po ‘tong mga kasama ko, sir. Opo pupunta po kaming canteen.”
“Ahh. Ganun ba? Ah, eh…iniisip ko sana kung pwede ko ba hiramin si Julie? I just want to have coffee with her.”
Nagulat silang apat.
“…Uh…O-okay lang po samin…pero si Julie po…” sagot ni Patricia.
“Okay lang ba sa’yo, Julie?” tanong ni Daren.
Tinignan ni Julie ang mga kaibigan niya bago ito nag-aalinlangang tumango. “Okay lang po.” sagot nito.
Ngumiti si Daren. “O, paano…mauna na kami, ah.”
“Sige po.” sagot nila Patricia.

At naglakad na nga papalayo sila Julie at Daren.

“Psst!” tawag ni Michele kay Diva nang makalayo ang dalawa.

“Pinopormahan ba ni Sir Daren si Julie?”
“Oo nga! Tsaka bakit may pa-coffee-coffee pa? Jusko. Tirik na tirik ang araw magkakape sila?” sabi ni Kei.
“Ano ba kayo, baka naman may importante lang pag-uusapan.” sabi naman ni Cassy.
“Importante? Eh, ano naman yun? Ay nako, wag niyang idadahilan yung trabaho, ha. Luma na yon.” sabi ni Kei.
“Ewan…eh, basta! Pabayaan niyo na nga yung tao.” sagot ni Cassy.
“Tama! Isa pa, kung pinopormahan man niya si Julie, eh, hindi na nakapagtataka yun. Tignan mo naman ang friend natin, ‘te! Pagkaganda-ganda.” sabi ni Patricia.
“Oo nga. Tsaka hayaan mo, ‘no. Para magselos naman paminsan-minsan si Sir Elmo.” sabi ni Michele.
“I agree!” sabi ni Patricia sabay apir kay Michele.
“Aynako! Mga echusera! Tara na nga, kumain na tayo.” sabi ni Kei.
Tumawa sila Patricia. “Tara!”
—;—
“Sigurado kang yan lang oorderin mo Julie?” tanong ni Daren kay Julie dahil orange juice lang ang inorder nito. Kasalukuyan silang naka-upo sa isang table sa isang coffee shop. 

Tumango si Julie. “Okay lang…hindi naman ako mahilig uminom ng kape, e.”
“Okay…if you say so…”

“…uh…Daren…bakit mo pala ako inaya mag-coffee?” malumanay na tanong ni Julie.
“Wala lang. Naisipan ko lang ayain ka. Nakakagaan kasi ng pakiramdam pag kausap ka, e.”
Ngumiti si Julie.
“…you know, this place is quite special for me.” sabi ni Daren.
“Hm? Bakit?” tanong ni Julie sabay inom ng orange juice.
“…it’s…it’s a place where my late dad and I used to hang-out.”
“…oh...sorry…” malungkot na wika ni Julie.
“No, it’s alright. Actually, matagal na rin siyang wala, e…it’s just that…my dad thought me lots of lessons in life.”
“Gaya ng?”
“Well, simple things like magpakatotoo ka sa sarili mo. You know…those things. Pero siguro one of the best lessons he taught me is to take care of every women and never to hurt them.”
“…wow…”
“Yeah. Ganun yun si dad, e…kasi talagang mahal na mahal niya yung mom ko. Unfortunately, si mama yung may ayaw…”
“H-huh?”
“…I grew up from a broken family…my dad did his best para magkaayos sila ni mom. Kaso…my mom doesn’t want him anymore. So they broke up. I was left to my father’s custody. Nagtanim ako ng sama ng loob sa mom ko...but my dad…he never did.”

Huminga ng malalim si Daren. “You know, from then on sabi ko hinding-hindi ako magmamahal. Kasi ayoko masaktan. Ayokong mangyari sakin yung nangyari sa dad ko…kaya nga until now…wala pa rin akong stable relationship.”

“…ang lungkot pala ng buhay mo…”
Ngumiti si Daren. “Hindi naman. Nasanay na rin ako. Tama nga sila, time heals everything.”
“…Mmm…Tama ka. Time heals everything but time can’t erase the memories…”
Napatingin si Daren kay Julie.
“Bakit? Na-experience mo na ba yun?”
Natigilan si Julie sa pag-inom sa orange juice niya. Nag-aalinlangang naman siyang tumango.
“…I see…”

“Uy, pero, na-touch ako, ha.” sabi ni Julie—biglang nag-iba ang ihip ng hangin.
“Bakit?” nakangiting tanong ni Daren.
“Wala, eh kasi…hindi naman tayo close, pero ayan ka. Sinasabi mo sa akin yung kwento mo. Nakakatuwa lang.” nakangiting sabi ni Julie.
“…ewan ko ba…pag ikaw kasama ko, parang ang gaan ng lahat…kaya nga madali para sa akin na mag-open-up, e.”
“Thank you.”
Ngumiti lang si Daren.
“You’re really special, Julie…” sabi ni Daren.
Nagulat si Julie sa sinabi ni Daren—pero hindi na lang niya ito inintindi.
“Nako, may special-special ka pa diyan. Uminom ka na lang ng kape.” pagbibiro ni Julie upang mawala ang pagka-ilang niya sa sinabi ni Daren.
Natatawang iiling-iling si Daren.
Tumawa rin si Julie.

Yun na ang simula ng mabuti nilang samahan.

*Ayan! I’m back! Grabe. Kahapon lutang ako, e. 2 updates for today. Wait for the other. :-)

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon