Chapter 11

3.7K 30 1
                                    

Chapter 11 – A night with the Rodriguez.

Hindi mapakali si Julie. Hindi niya alam kung ano ang dapat isuot o dalhin. Nakatitig lang sa kanya ang mama niya at si Princess

“Julie…Julie!” tawag ng mama niya.

Nilingon naman siya ni Julie. “Po?”

“Alam mo, wag ka na lang pumunta. Kesa yung ganyang natataranta ka. Aba, eh, mapupudpod na yang sapatos mo ‘di ka pa nakaka-alis ng bahay.”

“…Eh, ma…hindi ko kasi alam kung ano kaylangan kong gawin, e.”

“Anak, wala ka namang kaylangang gawin, e. Ewan ko ba naman kasi sa’yo kung bakit pumayag kang pumunta kina Elmo para mag-dinner, eh, alam mo namang kumplikado ang sitwasyon.”

Napa-buntong hininga si Julie. “Eh, ma…alam mo naman sila Ate Marge, ‘di ba?”

“I know, alam ko rin na magiging maayos ang lagay mo sa kanila, pero Julie, won’t you find it awkward? Pupunta ka sa bahay ng dati mong—“

Hindi natuloy ng mama ni Julie ang nais niyang sabihin nang maalala nitong kasama nila si Jillian.

“…Sige na, bahala ka na. Malaki ka na.”

Bumuntong hininga si Julie. “Sige, ma, mag-aayos na po ako.”

Tumango lang ang mama ni Julie.

Umakyat na nga si Julie sa taas para mag-ayos.

“Ma, bakit po parang ang lungkot ni Ate Julie? May problema po ba siya?” tanong ng bata.

Pilit na ngumiti ang mama ni Julie. “Hindi ah, excited nga siya kasi makikita niya yung mga friends niya, e.”

“Eh, ba’t po parang hindi siya masaya?”

“Kinakabahan lang yun.”

“Bakit po?”

“…Wag mo na masyadong intindihin ang ate mo…maglaro ka na lang.”

Bakas sa mukha ng bata ang pagtataka at pagkalungkot—alam nitong may problema ang kapatid.

—;—

“Prepared na ba ang lahat?” tanong ni Helen.

“Yes, ma.” Sagot ni Anabelle.

“Osige, ilagay niyo na sa mesa yung mga pagkain. Maya-maya lang dadating na yun si Julie.

“Eeeh! Excited na ‘ko!” sabi ni Margaret habang tumutulong sa paglagay ng pagkain sa mesa.

“Buti na lang wala si Moe, kung hindi, baka umabot na ng isang taon, ‘di pa natin nakakasama ulit si Julie.” Sabi ni Fell.

Tumango sila Margaret at Anabelle.

“I miss Julie a lot.” Sabi ni Helen.

“I know! Kasi naman yung girlfriend ni Elmo, walang ka-effort-effort! Nakakairita!” sabi ni Anabelle.

“Belle…” wika ni Helen.

“Eh, totoo naman, e.” sabi ni Belle.

“Ano ka ba, mabait naman si Nica. I think? Kaya lang iba talaga si Julie, e.” sabi ni Margaret.

Tumango sina Fell at Anabelle.

“Haynako, pabayaan niyo na ang kapatid niyo. Desisyon na niya yun. Wala na tayong magagwa dun,” sabi ni Helen.

“Bakit ba kasi kaylangan nila maghiwalay ni Moe, e?” tanong ni Anabelle.

“Yun nga, e. Hanggang ngayon, ‘di pa rin malinaw kung bakit nakipaghiwalay si Julie kay Elmo, e.” sabi ni Fell.

Napa-buntong hininga na lang sina Margaret at Anabelle.

Maya-maya ay biglang may nag-doorbell. Nagtitigan ang mga Rodriguez.

“Ako na,” sabi ni Helen.

Naglakad si Helen patungo sa pintuan. Huminga ng malalim bago nito binuksan ang pinto.

“Goodevening po.”

Ngumiti si Helen. “Tuloy ka, Julie.”

Pumasok na nga sa loob ng bahay nila si Julie. Bagaman may pag-aalinlangan at hindi kumportable ay alam ni Julie na wala na itong atrasan.

“Julie!” tuwang-tuwang bati ni Anabelle.

“Hi, Japs.” bati ni Fell.

“Goodevening, Julie.” Bati ni Margaret.

Ngumiti si Julie. “Goodevening.”

“Halika, Japs, ma-upo ka na.” sabi ni Anabelle. Hinila niya si Julie para umupo.

Na-upo na rin sila Margaret, Fell at Helen. Huling umupo si Anabelle.

“Grabe, Japs. Ang tagal na rin nung last ka naming nakasama dito. About 7 years ago na rin…” sabi ni Margaret.

Bakas sa mukha ni Julie ang kalungkutan. Tinitigan ni Helen si Marge—tila sinasabi dito na hindi niya dapat iyon sinabi.

“Ahaha! Ano ka ba Ate Marge, atleast andito na si Julie.”

Tumango sina Helen at Fell.

“Kamusta ka na?” tanong ni Helen.

“Maayos naman po. Kayo po?”

“Eto…nakakaraos naman.”

“Bakit ba ngayon ka lang bumalik dito sa Pinas?” tanong ni Fell.

“…May mga inasikaso pa kasi ako sa states…” sagot ni Julie.

“Like what?” tanong ni Fell.

Hindi umiimik si Julie.

Naramdaman nila Helen na hindi kumportable si Julie na pag-usapan ito.

“Ay! Ano ba kayo, mamaya niyo na nga intrigahin yan si Julie! Tignan niyo, lumalamig na yung pagkain, o!” sabi ni Helen para mawala ang awkwardness sa pagitan nila.

“Hahaha. Oo nga, kain na nga lang tayo.” Sabi ni Anabelle.

Naglalagay na ng pagkain ang mga Rogriguez at si Julie sa mga plato nila. Nang biglang may nag-doorbell.

Nagkatitigan sila—Helen, Margaret, Anabelle, Fell, Julie.

“May bisita ba kayong inaasahan?” tanong ni Helen sa mga anak.

Umiling sila Margaret, Fell at Anabelle.

“Ikaw, Julie? May kasama ka ba o kung ano?” tanong ni Helen.

Umiling din si Julie.

“Eh, sino kaya yun?” nagtatakang tanong ni Helen.

Kumibit-balikat si Margaret.

“Sandali lang, Julie, ha. Kumain lang kayo diyan.” Sabi ni Helen.

Nakangiting tumango si Julie. “Sige po.”

Tumayo si Helen upang pagbuksan ng pinto ang nag-doorbell. Laking gulat niya ng makita kung sino ito.

“…Moe…”

“Bakit para kang nakakita ng multo?” tanong ni Elmo sa ina na halatang gulat na gulat.

“Sino yan, ma?” tanong ni Anabelle.

“Ako!” sigaw ni Elmo sabay pasok sa loob ng bahay.

Nagulat sila Margaret, Anabelle, Fell at lalong-lalo na si Julie nang makita si Elmo. Maging si Elmo ay natigilan nang makita niya si Julie.

“Why are you here…?” tanong ni Anabelle.

“…hindi natuloy yung dinner meeting ko…what’s going on…?” tanong ni Elmo.

Nagkatitigan sila Margaret, Anabelle at Fell.

“…Dinner

…with Julie…” sagot ng magkakapatid.

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon