“Elmo, I’m serious! You have to choose!”

“Veronica…anak ko ang pinag-uusapan natin dito.”

“I know…and also Julie.”

“Hindi yun yung point, e! Gusto mong pumili ako between you and my own daughter? Nica naman!”

“I will ask you again, ako? o sila Princess?”

Hindi naka-imik si Elmo. Ayokong saktan ka, Nica…

Ngumiti si Veronica—bagaman pilit.

“Hindi ka makapagsalita?…kasi sila ang pipiliin mo,” sabi ni Veronica. “I knew it, Moe…I knew it all along…”

Bakas sa mga mata ni Elmo ang pagsisisi at pagka-awa kay Veronica.

“I’m really sorry, Nica…” mahinang sabi ni Elmo. Wala na siyang iba pang masabi kung hindi ang salitang sorry. Alam naman niyang wala siyang maaaring sabihin na makapagpapagaan ng loob ni Veronica. Kaya kahit alam niyang hindi sapat ang salitang sorry ay sinabi niya pa rin ito. Para sana maintindihan ni Veronica na hindi naman talaga niya ito gustong saktan.

Tumango si Veronica. “…I just…want to be alone…please…”

Bumuntong hininga si Elmo at tumango. “Sige…”

At bagaman ayaw niyang iwan si Veronica alam niyang makakabuti rito ang mapag-isa muna. I hope she’ll be fine.

—;—

Hindi mapakali si Julie sa bahay nila. Palakad-lakad siya sa living room habang hinihintay na bumalik si Elmo. Bakas sa mukha niyang ang matinding pag-aalala.

Nagka-ayos na kaya sila?

Sana naman, oo. Jusko, ayoko na ng gulo…

Maya-maya pa ay pumasok na si Elmo sa loob ng bahay nila—tila pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya.

“Elmo…ano nangyari?” nag-aalalang tanong ni Julie.

Umiling lang si Elmo na malungkot ang mukha.

“Ha? Bakit? Naka-usap mo ba si Veronica?”

“Julie…I guess it’s over.”

Kumunot-noo si Julie.

“It’s over? Anong it’s over?! Ano ba, Elmo! Sumagot ka nga ng maayos!”

Huminga ng malalim si Elmo.

“Pinapili niya ako…kung kayo…o siya…”

Nakatitig lang sa kanya si Julie.

“…and she knew na kayo ang pipiliin ko.”

“Ano?!” gulat na wika ni Julie. “So hindi ka man lang nag-explain sa kanya?! Elmo naman!” sigaw niya kay Elmo. Naiinis na si Julie sa kanya.

“Wala naman na ’kong kailangan i-explain kasi she knew it all along! Alam niya na ikaw pa rin ang mahal ko, Julie!” sigaw na rin ni Elmo.

“Hindi yun yung point, e! Alam mo na ngang mali tayo, dinagdagan mo pa! Dapat nung pinapili ka niya siya na lang pinili mo!”

“Bakit Julie?” tanong ni Elmo. “Bakit siya yung gusto mong piliin ko kahit alam mo naman na ikaw pa rin yung mahal ko?!”

Hindi naka-ibo si Julie.

“Julie…pinili ko kayo kasi mahal ko kayo…” sabi ni Elmo.

“Hindi ko naman sinabing piliin mo kami, e…” sagot naman ni Julie.

“Pero ginawa ko! Dahil kayo ang mahal ko! Julie mahirap ba yung intindihin?!” sigaw ni Elmo. Hindi na niya naiintindihan si Julie. Pakiramdam niya ay pinagtatabuyan na naman siya nito gaya ng nangyari, 7 years ago.

Hindi na umibo pa si Julie.

“…Julie napapagod na ‘ko, e…palagi ko na lang ipinagsisiksikan yung sarili ko sa inyo...sa’yo. Pero palagi mo akong tinataboy…wala na ba talaga akong halaga sa’yo?” maiyak-iyak na tanong ni Elmo.

Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha ni Julie. Kung alam mo lang, Elmo.

“Mahal na mahal kita Julie…pero siguro nga…siguro nga hindi sapat yun…to bring us back together.” sabi ni Elmo sabay tulo ng luha sa pisngi niya. Sobrang nasasaktan na si Elmo.

Bumuntong hininga si Elmo sabay nag-walk away palabas ng pinto. HIndi na niya kayang harapin pa si Julie. Masyadong nang masakit. 

Elmo…

—;—

Marahang pumasok si Julie sa loob ng kwarto ni Princess. Hinimas-himas niya ang ulo nito habang patuloy pa rin siyang umiiyak. Nasasaktan din naman si Julie sa sitwasyon nila ni Elmo. Mahal niya pa rin naman ito pero ayaw naman niyang makipagbalikan dito nang marami pang problemang hindi nasosolusyunan. Marami pa silang issues from the past na hindi pa rin naman nila nabibigyan ng closure. Higit sa lahat, ayaw niyang may ibang taong nasasaktan.

Maya-maya ay umugol ang bata. Dali-daling pinunasan ni Julie ang mga luha niya. Hindi ako pwedeng makita ni Princess na umiiyak.

“Baby…gising ka na?” tanong ni Julie.

Kumurap-kurap lang ang mga mata ng bata habang nakatingin kay Julie.

“…Mama?”

Nakangiting tumango si Julie.

“Si papa po?” mahinang tanong ng bata.

Huminga ng malalim si Julie.

“Princess…umuwi muna si papa, e…”

“Po?…eh, nag-promise po siya na ‘di niya ‘ko iiwan, eh…”

“Baby, may kailangan kasi siyang gawin, e. Pero babalik din siya agad.”

Sumimangot ang bata.

“Huwag ka ng sad…ganito na lang, dapat magpahinga ka…para pagbalik ni daddy…magaling ka na…para matutuwa siya. Okay ba yun?”

Ngumiti ang bata at tumango.

Ngumiti rin si Julie.

“Sige…baby…pahinga ka lang. Babantayan ka ni mama.” sabi ni Julie sabay ayos sa kumot ng bata.

Ipinikit ulit ni Princess ang mga mata niya para matulog. Samantalang hinimas-himas ni Julie ang ulo niya. Hindi na mapigilan pa ni Julie ang kalungkutang nararamdaman niya at tuluyan na siyang lumuha.

Ang hirap pala…

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon