Natigilan si Elmo. Nasasaktan ko na nga ba si Nica?

“Ah! Wag mo na lang ako intindihin. Tama ka, masyadong mabait at understanding si Veronica to the point na martyr na siya so I don’t think she’ll get hurt by that,” sabi ni Daren habang wine-wave ang kamay niya na para bang may bangaw.

Nag-aalinlangang tumango si Elmo. Pero may point siya.

Pinagpatuloy lang nila Elmo at Daren ang pagkain nila. Marami na rin silang napag-usapan—about sa business, sa iba't ibang mga tao, sa mga pinagdaanan nila bilang magkaibigan at kung ano-ano pa. Nang matapos silang kumain ay nag-stay muna sila doon at uminom ng tea.

“…Moe…wala ka bang balak makipag-balikan kay Julie?” biglang tanong ni Daren habang umiinom si Elmo ng tea.

Nagulat si Elmo sa tinanong ng kaibigan at muntik pa niya mabuga ang iniinom niya. Mabuti na lang at napigilan niya.

“B-ba’t m-mo na-itanong?” mautal-utal na tanong ni Elmo.

“Wala…basta sagutin mo muna ako,” mariing sabi ni Daren.

“…I don’t think it’s…" sandaling huminto si Elmo. "...possible.”

Tumango muna bago huminga ng malalim si Daren. “I'll be honest with you, Moe…I like Julie.”

Nanlaki ang mga mata ni Elmo at napatingin kay Daren. Seryoso ba ‘tong taong ‘to?

“…T-talaga?”

“Yeah. She’s really special.”

Alam ko na yun.

“Actually…I’m planning to court her…” pagpapatuloy ni Daren.

Lalong nagulat si Elmo. Planning to court her? Aba, namumuro na sa’ kin ‘tong taong ‘to, ha. Kahit kaibigan ko 'to, hindi ako natutuwa sa mga sinasabi niya.

“…but I can’t…because of you," dagdag pa ni Daren. Lalo tuloy naguluhan si Elmo at napa-kunot noo.

“Me?” gulat na tanong ni Elmo na parang hindi makapaniwala. “…Why?”

“Kasi iniisip ko na baka you still love her and you have plans to get her back. You know what I mean.”

Napalunok si Elmo. “What if I do have a plan to get her back?”

“Then I’ll back out,” seryosong sagot ni Daren.

Napa-buntong hininga si Elmo. Gusto niyang sabihin kay Daren na may plano nga siyang makipagbalikan kay Julie para hindi nito ituloy ang plano niyang panliligaw kay Julie. Ngunit alam niyang hindi niya mapapanindigan iyon. Bukod sa magulo pa ang sitwasyon sa pagitan nilang dalawa, nariyan din si Veronica na ayaw niyang masaktan.

“I-I don’t have any plan to do so…”

Wala nga ba?

Ngumiti si Daren. “So, isang bagay na lang pala ang problema.”

Napakunot-noo na naman si Elmo. “Ano yun?”

“Your permission…papayagan mo ba ‘ko kung liligawan ko siya?”

Lalong nagulat si Elmo. Aba, sa akin pa talaga nagpaalam.

Tumawa si Elmo—pekeng tawa. “Bakit naman sa akin ka nagpapaalam?”

“Siyempre, kasi ikaw pa rin yung ama ng anak niya. So you have the right to say yes or no.”

Napalunok ulit si Elmo. Ganun ba yun? Dapat ko bang sabihin sa kanya na ayaw kong ligawan niya si Julie? Kasi ayaw ko naman talaga hindi ba? At nagpapaalam nga siya sa akin hindi ba? Pero...

“…O-oo naman…p-pu-pumapayag…ako…” sabi ni Elmo bagaman labag sa kanyang kalooban. Ayaw lang talaga niyang magkaroon pa ng issue.

SERYOSO KA  BA  RODRIGUEZ? Pumayag ka talaga na ligawan ng taong ‘to si Julie? Baliw ka na nga.

Ngumiti si Daren. “Thanks, Moe.”

Ngumiti rin si Elmo ngunit napipilitan—nagsisisi siya na pumayag siyang ligawan ni Daren si Julie.

—;—

“Julie! Nakabalik ka na!” tuwang-tuwang sabi nila Kei, Michele at Cassy pagdating nila Patricia at Julie sa canteen. Nakaupo lang yung tatlo sa isang table doon sa canteen nang inapproach sila nila Julie.

Ngumiti si Julie. “Oo nga, e.”

“Hay salamat! Kumpleto na ulit tayo,” nakangiting sabi ni Michele.

“Oo nga. Na-miss ka namin Julie!” sabi ni Cassy.

“Lalo na ‘to si Kei!” sabi naman ni Patricia sabay tawa.

“Uy, ‘di ah.” sabat ni Sef sabay irap pa.

“Wusus! Denial!” sabi nila Patricia, Michele at Cassy. Tawa lang sila ng tawa habang inaasar si Kei na na-miss niya talaga si Julie.

Ngumiti lang si Julie sa kanila. Umupo na sila Patricia at Julie kasama nila Cassy, Kei at Michele. Nag-umpisa na ring intrigahin ng apat si Julie.

“So, ano na? Okay na kayo ni Sir Elmo? Kasi bumalik ka na rito, e.” curious na tanong ni Michele.

“…Oo…mas okay na…” sagot naman ni Julie.

“Mabuti naman,” nakangiting sabi ni Cassy.

“Eh, kayo ni Princess?” tanong ni Kei.

“Okay na kami. Tinatawag na nga niya ‘kong mama ngayon, e.” nakangiting sabi ni Julie.

"Awwww." sabay-sabay na wika nila Cassy, Kei at Michele.

“Mabuti naman,” nakangiting sabi naman ni Diva.

“Eh, kamusta naman ang pagiging single mother?” tanong ulit ni Kei.

“…Masaya.”

“Hindi ka ba nahihirapan?” tanong ni Michele.

“Hindi naman. Andiyan naman sila mama at papa. Tsaka kahit papaano tinutulungan naman ako ni Elmo dun sa bata.”

Tumango sila Patricia, Cassy, Kei at Michele.

“Eh, Julie…wala ka bang balak…” huminto sa pagsasalita si Patricia. Itatanong ko ba?

“Balak…?” tanong ni Julie.

Tinitigan ni Patricia si Julie sa mga mata nito. “Balak makipag-ayos…kay Elmo? Para magkasama-sama na kayo…”

“Bilang isang buong pamilya...” pagdudugtong ni Patricia.

Kung pwede lang, eh…

“Sa totoo lang…gusto ko…kaso…natatakot ako…natatakot ako na baka hindi maging maayos ang lahat…na baka mas maging kumplikado lang ang sitwasyon…”

Bumuntong hininga si Julie. “…Isa pa…may girlfriend si Elmo…”

Napa-buntong hininga lang din ang mga kaibigan ni Julie. Oo nga pala, may girlfriend si Elmo.

When Love Strikes Back (JuliElmo Fanfiction) COMPLETEWhere stories live. Discover now