X-29

2.4K 139 32
                                    

Generation X | 29


Vote. Comment. Be a fan.

Chapter Song: Samurai by Vanic ft. Katy Tiz





Moza's P.O.V



“Phone mo,” pag-aabot ko kay Roui na kinuha naman nya.



“Gabi na ah, pero bakit nag-abala ka pang ibigay sakin to?,” tanong nya. Humalukipkip ako.



“Alam mo na siguro,” sabi nya pa. Napatango ako.



“Yeah. Tita told me everything,” panimula ko. Madami-dami kaming pag-uusapan ngayon ng pinsan kong to.



“Galit ka siguro sakin,” sabi nya pa. Kumunot ang noo ko.



“Bakit naman ako magagalit sayo? Ikaw ba  ang nagsangla ng academy?,” balik kong tanong sakanya.




“Di. Pero---yung Dad ko ang gumawa,” mahinang sambit nya.




Is this the reason why he's gloomy? Na akala nya galit ako? O ano?



“Alam mo Roui, huwag tayong makisawsaw sa issue ng matatanda pero dahil mukhang damay tayo dito ay may dapat tayong gawin,” tiningnan nya ako.



“Pull your shits together Roui, we need to make sure na pipirmahan ng sinanglaang pamilya yung papeles na yun,” sabi ko.



Kita kong nag-isip sya.



“Mahalaga sayo ang academy diba?,” tumango sya.



“Well, sakin hindi---pero para sa mga magulang ko ay sisiguraduhin kong babalik sa pamilya namin--natin ang MXA,” tinitigan nya ako.



“How can we do that?,” ako naman ang napa-isip. Well, mukhang iisa lang naman ang mapagtatanungan namin.



“Si Miss Ally,” simpleng sagot ko.



---



/Kinabukasan/




Maaga akong nagising dahil hindi rin naman ako nakatulog ng gabing iyon. Busy ako sa pagbabasa nung diary na hindi naman pagmamay-ari ng magpipinsan at yung tungkol nga sa pamilyang yun.




Naisip ko rin na kaya pala sinabi ng tatlong to na 3 taon ng walang nangangalaga sa academy ay dahil dun. At dahil na rin siguro marami ang nagbago dito. Pero hindi sinabi ni Tita Delilah sakin kung sinong pamilya yun. But I bet Miss Ally knew everything. Malakas ang pakiramdam ko.




At kagaya ng napag-usapan ay maaga kaming nagkita ni Roui sa hallway. Maaga din kasi si Miss Ally kaya for sure ay andito na sya ngayon.




“Wait? Bakit locked?!,” sinipa-sipa ko yung pintuan ng office nya.




“Pinsan baka masaktan ka,” pagpipigil ni Roui sakin. Ughh! Kabadtrip!




“Oh?Elizandré and Kriston,” pareho kaming napatingin sa nagsabi nun.



“Goodmorning Teacher Trejos,” bati ni Roui pero deadma lang ako. I heard this is Yugen's dad. Pinagmasdan ko sya. Oo nga, hawig si Yugen sakanya pero nakikita ko rin si King sakanya.




Uh? This is not the time to think about that Moza.




“May kailangan kayo kay Ally?,” he asked.



Generation ❌Where stories live. Discover now