X-32

2.5K 114 48
                                    

Generation X | 32


Vote. Comment. Be a fan.

Chapter Song: Make Me by Vanic




Weno's P.O.V




"Hoy wala kayong naiwan?," tanong ko sa lahat. Mukhang wala naman dahil handa na ang lahat umalis.


"Tara na!," naunang lumabas si King kaya sumunod na kami.



Pagkarating namin sa tagpuan ay andun na sina Moza kasama yung tatlong chinita at si Rose. Nakalimutan kong andun din yung Renjin.



Andun na din si Ally at si Tito--I mean Teacher Trejos. Sya ang magiging guardian namin dun.




"Ready na ba ang lahat?," masigla tanong ni Ally.



Ako at si King lang ata ang masayang nagsabi ng "Yes!"




So ayun. Pumasok na yung bus na sasakyan namin at napansin kong may banner na may logo ng MXA yung harapan ng bus.




Balita kong makakasama namin ang taga ibang school kaya exciting!




Nagbigay ng mga reminders si Ally pero alam kong malilimutan din namin yun kaya hindi na ako nakinig. Kaya pagkatapos nun ay nagsipasok na kami sa bus.


Tumabi ako kay Roui na mukhang bumalik na ang energy sa katawan kaya mas lalo akong naexcite. Yeah boi! Makakalabas na naman kami ng academy!



Nilingon ko ang nasa likuran at nakita ko sina Klaus at Johnny na magkatabi. Nasa pinakalikod namang parte sina Moza na katabi si Renjin kasama yung tatlo.


"Oy Weno," nabalik ang tingin ko kay Roui na may tinuturo.




Nang sundan ko iyon ay nakita ko ang magkatabing si King at Rose.


"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig," pakantang loko ni Roui kaya napatingin yata ang lahat kina King at Rose.



Sinaway naman kami ni King habang si Rose tatawa-tawa lang.



Pagkapasok ni Teacher Trejos ay umandar na nga ang bus at ayun...sobrang ingay na namin.


Woot woot!



***



Sana's P.O.V




Tiningnan ko si Yugen na katabi ko. Nakapikit sya at mukhang tulog ata. Mukhang ayaw din magpadistorbo dahil may suot syang earphones.



Naupo na lang ako ng maayos saka nakinig sa lokohan ng iba. They're teasing King and Rose (na ngayon ko lang nakilala.)



"Psst," naagaw ni Dasttan ang atensyon ko na nasa second to the last nakapwesto. Kung saan malapit kina Moza at Renjin. Binabantayan nya yung dalawa. And speaking of them, magkatabi sila at mukhang may pinag-uusapan (maingay kaya di ko alam ko rinig.)




Inalis ko ang tingin sakanila at binalik sa harap. Pero muli kong tiningnan si Yugen nang sumandal sya sa balikat ko.



"Masakit ang ulo ko," aniya.


May migraine sya just like Moza kaya pareho ko silang minamasahe kapag ganun. But that was before. Ngayon di ko na alam kung ano ang ginagawa ni Moza kapag may migraine sya. Ngayon ay naiilang na akong gawin ang mga natural na ginagawa ko noon dahil natatakot akong masaktan ko ang damdamin ni Moza. Now, I became conscious.




Generation ❌Where stories live. Discover now