X-2

4K 160 73
                                    

Generation X | 2

Vote. Comment. Be a fan.

SONG: The Sound by 1975



Ang gulo.



Yun lang ang masasabi ko habang tinatahak ang daan patungo sa Cafeteria dahil gutom na ako.




I look horrible pero dahil gutom na talaga ako ay wala na akong pakialam. Tsaka wala namang nakakakilala sakin sa academy na to.




Kasama ko nga pala yung tatlo.


Anyway. Sabi ko nga. Magulo. Lalo na yung mga classroom na nadaanan namin. Ang daming papel na nagkalat. Dami ding vandals sa mga pader. Malala na ang skwelahang to.



“Dinaanan ba ng bagyo ang academy,” nasambit ko.



“Mas malala pa sa bagyo,” sabi ko ulit.



Kulungan nga to Moza. Kulungan.



Tsk. Hindi ko maintindihan ang parents ko. They wanted me to be here simula nung nag first year ako pero syempre umayaw ako. Ganun din si Dasttan. Ayaw nya dito. Ano bang maganda sa academy na to.



Pagkapasok namin sa Cafeteria ay magulo din. Mas malala pa talaga to sa pinapasukan ko.


“Hoy gago ka! Bumalik ka dito!,”



Cursing and swearing filled my ears.




Grabe. Nagtatapunan ng pagkain ang mga studyante.




Bakit ang sabi ni mom maganda ang skwelahan kung saan sila nag-aral dati?




“Rella, dito tayo,” hinila ako ni Chie.




Naupo kami sa malayo sa kaguluhan.




“Ako na ang bibili ng pagkain. Anong sayo Rella?,” tanong ni Chelsy.




“Kahit ano tsaka kape,” sagot ko.



“Okay!,” mabilis na nawala sa paningin ko si Chelsy.


Tiningnan ko ang dalawa na naiwan.


“Bakit kayo napunta dito? Mukha naman kayong matitino,” tanong ko.



“Hmmm..dahil hindi matino ang mga magulang namin,” sagot ni Chie at tinanguan ni Cherish.



“Magpipinsan kami,” ako naman ang napatango sa sinabi ni Cherish. Kaya pala magkakamukha tong tatlo.



“Atleast magkakasama kayo,” sabi ko.


Muli kong nilibot gamit ang tingin.


“Diba sabi namin. Magulo talaga ang academy,” rinig kong sabi ni Chie.


Yeah. Nakikita ko nga.



“Pero paano ko naman mababago ang takbo ng academy? Masyadong imposible. Hindi ko nga mabago ang sarili ko,” bulong ko sa sarili ko.



What they need is psychiatrist.


Pero hindi rin nakakatulong yun.


Based on my experience.

Mas lala lang.

“Pare-pareho lang tayo dito,” sabi ko saka tiningnan ko silang dalawa.



Generation ❌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon